United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Iniaamo namin sa iyo, pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cun cami ay papanao na sa lupa, hin~gin mo cay Jesús na ipagcaloob sa amin ang caniyang bendicion, nang cami ay marapat na maquinig nang masasayáng auit nang man~ga Angeles, at camtan namin ang ualang hangang liuanag nang Lan~git. Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri.

Mapagtalastas naman ni Teodora na si Didimo ang kikitlang hinin~ga, ay siya,i, tumacbong humabol pagdaca hangang sa dumating sa lupang talaga. Na doon ang laang puputlan nang ulo yaong humaliling bayaning sundalo, aniya,i, ang dapat patayin ay aco alang-alang naua sa cay Jesucristo.

Iniaamo namin sa iyo pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na iligtas mo cami sa man~ga tacot, na nacasisira nang capayapaan n~g loob na ualang sala, nang cami ay mabuhay na tahimic, sa pag-ibig cay Jesús, at cay María, at sa man~ga camay nila maihabilin ang man~ga caloloua namin sa horas nang camatayan. Ama namin, Aba, Guinoong María, at Gloria Patri.

Iniaamo namin sa iyo, alang alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay aliuin mo n~gayon, at sa panahon nang huling pagpanao: igauad mo sa amin ang cailan~gang tulong nang gracia, nang cami ay mabuhay sa cabanalan, at camtan namin ang mamatay na para mo, sa man~ga camay ni Jesus at ni María. Ama namin, Aba, Guinoong María, át Gloria Patri.

Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay lumayóng madali sa man~ga pan~ganib nang pagcacasala, at matutong sumupil at lumaban sa man~ga pitang hinguil sa calupaan, na parang man~ga ídolos na dapat sirain, n~g cami ay mabuhay na lamang sa pag lilingcod cay Jesus, at cay María, at maihain namin sa canila ang hulíng paghin~ga.

Iniaamo namin sa iyo, pacundan~gan sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay mapaquibilang sa man~ga mapalad, na magcacamit nang Lan~git, alang-alang sa man~ga carapatan ni Jesucristo, at sa pamamaguitan ni María. Ama namin, Aba, Guinoong María at Gloria Patri.

Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na matutuhan naming supilin ang masasamáng pita nang catauan, nang cami ay mamatay na payapá, sa taimtim na pagsambit nang catamistamisang n~galan ni Jesús. Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri.