United States or Samoa ? Vote for the TOP Country of the Week !
Mapagtalastas naman ni Teodora na si Didimo ang kikitlang hinin~ga, ay siya,i, tumacbong humabol pagdaca hangang sa dumating sa lupang talaga. Na doon ang laang puputlan nang ulo yaong humaliling bayaning sundalo, aniya,i, ang dapat patayin ay aco alang-alang naua sa cay Jesucristo.
Yaong si Didimo ay sumagot naman uica,i, di matuid ang hiling mong iyan, sapagca,t, icaw ay aking hinalinhan aco n~ga ang siyang dapat na mamatay. At yayamang iyong ipinagcaloob sa akin, ay dapat buhay co,i, matapos, n~guni,t, tumutol sa gayong palasahot si Santa Teodora at ang isinagot.
N~guni,t, inin~gatan din naman n~g Dios at isang soldado ang doo,i, pumasoc, n~gala,i, si Didimo na binyagang lubos ang siyang sa silid niya ay naglagos. Sa Santa at Martir cung caya tumun~go siyang cailan~ga,t, ang uica,i, ganito, huag cang matacot sa pagparito co at aco,i, cristiano ring caparis mo.
Nang sa Emperador na mapag-alaman yaong pagcauala sa culun~gang bahay, nang man~ga babayeng búhay na mahalay ni Santa Teodorang loob na timtiman. Pagca,t, hinalinhan siya ni Didimo caya nacalabas na hindi naino, siyang hinatulan na putlan nang ulo yaong nagpahiram nang damit soldado.