United States or Ghana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa sáquit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay tingnan mo at ipanalan~gin, nang si Jesús ay huag mauala sa amin cailan man dahilan sa casalanang mortal; at cun mangyari sa amin ang ganoong capahamacan, ihin~gi mo cami nang tunay at manin~gas na pagsisisi, nang matutuhan naming hanapin, at maquita ang maauaing Jesús: at hin~gin mo sa caniya na cami ay patauarin, lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang macamtan namin ang calualhatian nang Lan~git, at doon puríhin sa casamahan mo ang auâ niya magparating man saan.

Cailan~gang sundin n~g man~ga cristiano ang aral na lagda n~g Poong si Cristo, nang panahong siya'y dirito sa Mundo na magagaling na capalarang nalo. Ang pagcacasala'y ating catacutan at di nating talos yaong camatayan, cung tayo ay datning na sa salang mortal hirap sa Infierno ang pilit cacamtan.

Iamó natin sa pamamaguitan ni María at ni Josef, na huag tayong mahulog cailan man sa casalanang mortal, nang huag mauala sa atin si Jesús, at siya ay mapanood sa calualhatiang ualang han~gan. Man~ga salitang nagpapaquilala nang malaquing aua at capangyarihan nang Patriarca San Josef sa man~ga biyayang nacamtan nang man~ga mauilihin loob sa caniya.

Salita Ng Araw

magpipipe

Ang iba ay Naghahanap