United States or Antigua and Barbuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang icatlo,i, baual naman ang man~ga =devociones= cun tauaguin, ang man~ga panalan~gin, at man~ga casulatang quinapapalamnan nang man~ga pan~gacong sinun~galing, na di umano,i, ang man~ga gayo,t, gayon ay ualang di pangyayari . Caya n~ga,t, alinsunod dito,i, iyang man~ga =panalan~gin=, at iyang man~ga =casulatan= na di umano,i, nalaglag sa Lan~git, at nasumpun~gang nacababao sa santo Sepulcro, sa altar cayang pinagmimisahan nang santo Papa , at iba,t, iba pang ganito na ipinalimbag sa man~ga panahong ito sa uicang castila ma,t, sa uicang tagalog, at ipinagcacalat na mainam nang man~ga alagad nang demonio, ay pauang =baual=, at ipagcacasala nang sino man ang pagdarasal at ang pagbasa noon, pati nang pagcacalat at pagiin~gat niyon.
Isang bagontauong lahing guinoo, anac nang mababait na magulang, na hindi nagpabayá munti man sa pag aalagá, nang tumibay sa loob niya ang tacot at pag ibig sa Dios, ay parating nananalan~gin, nang matutong pumili nang estado, ó calagayang mararapat sa caniya, at naquilalang magaling na siya ay dapat mag asaua; at itinuloy nang malaquing nin~gas nang loob ang caniyang man~ga devociones, at minsan isang lingó ay dumudulog sa Confesion at sa Comunion.