United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !


At kung nangibig man kay Enchay ay dahil lamang sa sulsol ng isang kaibigan at upang may mapagparaanan ng panahon.

Nang gabi rin ng araw na iyon at samantalang sina aling Mirang at ang kanilang mga alila'y naghuhusay ng bahay, si D. José ay kaniyang kinausap at ibinalita na si Manuel ay malimit na hindi makalisiyon, kaya't palagi daw na nakakagalitan ng mga guro, at nang sina Edeng ay patungo sa lalawigan ay sinulsulan si Manuel na lumigaw kay Enchay.

Ibig kong umuwi ka na, sapagka't baka hindi ka magkapanahon sa pag-aaral ng ililisyon mo bukas. Itinigil mo ang pag-aaral buhat nang mamatay ang iyong ama at ang kapatid mong Juan na lamang ang pumapasok sa Sto. Tomas? Sinayang mo ang panahon; nguni't may katwiran ka, may asawa na si Enchay ay ¿bakit ka pa magaaral, sa siya lamang ang pinaglalaanan mo ng iyong karrera? Ako raw at hindi si Enchay!

Akala ko'y iyo at dali dali kong binuksan; nguni't nang tunghan ko ang lagda'y natalastas kong ako'y namali; sapagka't yaon pala'y kay Enchay, upang ipagbigay alam sa akin na kayo'y magiisang dibdib pagkatapos ng iyong pag-aaral. ¿Ano ang dahila't ako'y sinulatan ni Enchay? ¿Pinasasakitan kaya ako? Siya'y namali. Wala tayong salitaan nang kami'y paroon sa lalawigan.

Kami'y naparito sa Maynila, at ang una kong nabalitaan ay ang paglililo sa iyo ni Enchay na pinaglalaanan mo ng iyong karrera.... Huwag kang magkaila, huwag; may katunayan akong walang kasing laking kasinungalingan ang sinasabi mong hindi ako nawawalay sa iyong isipan. Huwag mong nasaing maikubli ang isang katotohanan. ¿Sumusumpa kang totoo ang sinabi mo at ako lamang ang iyong iniibig?

Sakali mang hindi ako musmos noon at sinagot kita ng oo, ay namali siya, si Enchay sapagka't nang tanggapin ko ang kanyang liham ay nalimot ko na ang nakaraang panahon. Kaya't nasabi ko tutoy sa sarili nang matapos kong basahin: "¿At maano sa akin? ¿Mawawalan ba ako?"

Ang sulat na ipinahatid ni Manuel kay Enchay ay talagáng iisa nga. Ang dalawang hindi niya makuro kung saan nagbuhat ay gawa ng isang binatang taga Batangan na nangingibig kay Edeng. Isang buwan muna bago nalipat ng bahay sina Manuel, ang binatang iyon ay lumipat din sa bahay na kapiling ng tinitirahan nina Edeng at parang nahalinang inakit ng ganda nito sa gawang pag-ibig.

At nang ikakasal na sa kanyang bagong kasi ay ipinamanhik sa ating binata na isauli kay Manuel ang isang liham na kanyang tinanggap; nguni't ang liham na iyon ay hindi dumating sa kinauukulan. Nang sina Edeng ay lumuwas dito sa Maynila ay ibinalitang agad ang paglililo ni Enchay at si Manuel daw ay may bagong nililigawan. Isang pagkakataon.

Matagal na inisip kung ilan sulat ang naipadala kay Enchay nang sila'y nag-iibigan; datapwa't hindi maapuhap sa alaala na ang una'y sinundan pa ng dalawa. Maging isa man o tatlo na nga, ay nahuli na siya ni Edeng at dahil dito'y nalungkot ng gayon na lamang.

Nang buksang muli ang mga paaralan ay lumuwas dito sa Maynila at nang mga araw na yaon ay noon naman tumanggap si Edeng ng dalawang liham ni Enchay. Si Manuel at si Enchay ay nagkaibigan nga, datapwa't hindi naglao't ito'y umibig, sa iba.

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap