United States or Malta ? Vote for the TOP Country of the Week !
"¡Oh ...!" ¡Kahiyahiya kay Edeng! ang bulong sa sarili Isinumpa ko pa naman na liban sa kaniya'y wala na akong inibig at ipinagmatigas ko pang siya'y hindi nawawalay sa aking gunita ... ¿Ano kaya ang kanyang palagay sa akin ngayon ...? ¿Isang bulaan? ¿isang sinungaling? At ang mukha'y tinutop ng dalawang palad na parang may kaharap na kinahihiyaan.
Ang binatang iyon ay nagaaral sa paaralan ng mga Heswitas at nang dumating ang bakasyon ay umuwi sa Batangan at si Edeng ay makalawa sa isang lingong pinagsasadya sa bukid. Sa kanilang mga paguusap ay naino niyang si Manuel ay hindi nawawalay sa alaala ni Edeng, kaya't gumawa ng lahat ng paraan upang malimot ang binatang nagtitiis ng hirap sa pagkaulila sa kaniyang nilalangit.
Kami'y naparito sa Maynila, at ang una kong nabalitaan ay ang paglililo sa iyo ni Enchay na pinaglalaanan mo ng iyong karrera.... Huwag kang magkaila, huwag; may katunayan akong walang kasing laking kasinungalingan ang sinasabi mong hindi ako nawawalay sa iyong isipan. Huwag mong nasaing maikubli ang isang katotohanan. ¿Sumusumpa kang totoo ang sinabi mo at ako lamang ang iyong iniibig?