United States or Spain ? Vote for the TOP Country of the Week !


Saca nang matapos salitaan nila tinauag nang hari ang mahal na reina, cun umaayon ca,i, isalin na nata sa atang manugang ang cetro,t, corona. ang uinica nang reinang maran~gal diyata,i, cun iyong gusto,t, caibigán, lalo nama,t, icao ay may catandaan di n~ga,i, isalin na corona cay Juan.

Nang mahimasmasang pag saulang isip ang hari,t, ang reina buman~go,t, nagtindig, ang uica nang amá ¿oh anác cong ibig? ano,t, gumaua ca nang hindi matouid. Reinang iná niya nama,i, ang uinica ¿oh anác cong sintang sa puso co,i, mutyá? baquin baga icao ay nag pacasira puri,i, sinayang mo,t, uinalang bahala.

Ipinacaon na yaong mag-asaua ni Fabio,t, Sofia amá,t, iná niya, ano,i, nang dumating toua,i, sabihin pa sa real palacio,i, capisan na nila. Yaong si Ursula ay guinanti naman ni Doña Leonila na reinang maran~gal, sa iyong servicio,i, ang pala cong bigay isa ca sa dama sa palacio real.

Yaong letrang =a=, na munting casunod angeles na madlang catoto nang Dios, sa coro ay pauang nag pupuring lubós sa Amáng lumic-ha nitong sangsinucob. Yaong letrang =r=, bilang pacaitlo si Maríang Vírgeng Ináng masaclolo, Reinang tinatanghál nitong boong Mundo sacdalan nang tanang ovejas ni Cristo.

Cay doña Maríang turing sa uinica mo sa aquin, itong aquing tagubilin sa loob huag limutin. Cun icao ay dumating na sa real palacio bagá, ay huag palalapit ca ni sa iyong reinang iná. Sa cangino mang babayi don Jua'i, iyong paquingui, sa reino'i, huag mangyari aco'i, mauaualang puri. Capag icao'i, nalapitan nang babaying sino pa man, aco'i, macacalimutan sa villa't, labás nang bayan.

Saca itong bahay sampong jardin dito malipat n~gayon din sa Españang reino, itayó sa piling nang real palacio maguisnan n~g hari at reinang iná co. Cahilin~gang lahat naganáp pagdaca nang in~gat na bató niyang encantada, maguising ang hari niyong maumaga n~g siya,i, dumun~gao ay naquita niya.

Lumuhod na capagdaca sa haráp nang haring amá, bendición po'i, igauad na siya cong maguing sandata. Capagdaca'i, guinauaran at siya'i, binendicionan, at sa reinang iná naman ay lumuhód capagcuan. Ay ano'i, nang matapos na na mabendicionan siya, ay nagtindig capagdaca itong príncipeng masiglá. Ang despensa ay binucsán nuha nang limang tinapay, siyang babaunin lamang sa talagang parurunan.