United States or Cabo Verde ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagcapagcompisal nang ganito ni Felicitas, ay binuloñgan siya nang aming Cura nang caunting oras at binendicionan niyang tuloy. Pagcatapos na pagcatapos nito,i, biglang sumigao si Felicitas nang gayon: Amo, ina, Proper at cayo pong lahat, ay patauarin, pó, ninyo aco, at aco,i, tinatauag na nang ating Dios at Pañginoon. At nang macasigao nang ganoon, ay napatid ang caniyang hiniñga.
Lumuhod na capagdaca sa haráp nang haring amá, bendición po'i, igauad na siya cong maguing sandata. Capagdaca'i, guinauaran at siya'i, binendicionan, at sa reinang iná naman ay lumuhód capagcuan. Ay ano'i, nang matapos na na mabendicionan siya, ay nagtindig capagdaca itong príncipeng masiglá. Ang despensa ay binucsán nuha nang limang tinapay, siyang babaunin lamang sa talagang parurunan.
Nang matapos itong maipan~gusap ay binuhat ang canang camay, pinahalic si Honesto,t, aco, at cami binendicionan. Nang mabendicionan cami, ay ang saysay: ang caloloua co, Dios na Pan~ginoon, ay nagnanasa nang manood sa iyo, nagdaramdam nang uhao; para nang paghanap nang uhao na usa sa bucal na tubig. Nang maipan~gusap ito ipiniquit ang mata,t, siyang pagcalagot nang hinin~ga.