United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !


Inalipád sa itaas nang malabay niyang pacpac, saca po caringat dingat sa harapan mo'i, lumagpác. Caya mahal na diosa huag cang mag-ala-ala, sa Dios ito'i, talagá tangáp ang hain cong sinta. Ang sagot ni doña Juana na cun may tapang cang dalá magtulóy na pumanhic ca at dini mag-usap quita. Pumanhic na capagcuan ang príncipeng si don Juan, at nuha nang silla naman ang dalaua'i, nag-agapay.

Capagdaca ay tinauag ang caniyang tatlóng anác, ang dalauang lilo't, sucáb siyang lumapit na agád. Itinanong capagcuan ang ibon cung napasaan, sagót ni don Pedro't, saysay si don Juan ang nagbantay. Ang nagpauala po'i, siya doon sa ibong Adarna, at cun cami ngang dalauá huag mo pong biguiang sála. Ang uica nang haring mahal ay hanapin si don Juan, at nang aquing maalaman cun sinong may casalanan.

Nagsitindig capagdaca capua tinanong sila, na cun alin sa dalauá ang maguiguing asaua. Sumagót na capagcuan si don Pedrong tampalasa't, tinuro sa haring mahal si Leonorang timtiman. Itong mahal na princesa lumuhód capagcaraca, dinguin nang vuestra alteza ang aquing ipagbabadyá. Aco po ay palugalán manga pitong taón lamang, saca aco pacacasal sa anác mong minamahal.

Ay ano'i, nang matuto na yaong tatlóng anác niya, ay tinauag capagdaca nitong daquilang monarca. Lumapit na capagcuan ang tatlóng príncipeng mahal, cordero'i, siyang cabagay nag-aantay pag-utusan. Anáng hari ay ganitó caya co tinauag cayó, dito sa itatanong co ay sabihin ang totoó. Linoob nang Dios Amá na cayo'i, nangatuto na, mili cayó sa dalaua magpare ó magcorona.

Sa malaquing cagutuman nang príncipeng si don Juan, nuha nang munti lamang at para bagang titicmán. Nang caniyang malasahan itong bucbúquing tinapay, masarap at malinamnam parang cahahango lamang. Anitóng matandá bagá ang aquing bumbóng na dalá, may lamang pulót aniya cumuha at uminóm ca. Humigop na si don Juan nitong pulót nang puquiotan ay naualá capagcuan ang caniyang cagutuman.

At nang maguing isang-taon na hindi dumarating bagá, inutusan capagdaca si don Diegong pangalauá. Sumunód at di sumuay sa hari niyang magulang, iguinayác capagcuan cabayo niyang sasac-yán. Pagca-handa'i, lumacad na cabunducan ang tinumpá, at hahanapin nga niya ang bunying ibong Adarna. Mahiguit sa limang buan nag-lacad niya sa párang, hindi naman maalaman ang Tabor na cabunducan.

Nang siya'i, matapos naman pagtauag sa Vírgeng mahal, nuha nang isang tinapay at cumain capagcuan. Sa limang tinapay bagá na baon niyang talaga, iisa na ang natira na pangpauing gutom niya. Nang matapos nang pagcain sumalunga siyang tambing, sa aua nang Ináng Vírgeng ualang hirap na dinating. Nang dumating sa ibabao ang príncipeng si don Juan, doo'i, caniyang dinatnán isang leprosong sugatán.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap