United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di sumacay sa cabayo nag-lacad nangang totoo, ang príncipe nganing itó cabunducan ang tinungo. Doon sa paglacad niya ualang tauong naquiquita, paratí sa ala-ala ang Vírgen Santa María. Cung mahustong isang buan paglacad niya sa parang, ay siyang pagcain lamang nang isang baong tinapay. Sa isang buan ang isa nang pagcaing muli niya, parang nagpepenitencia nang sa ibon ay pagquita.
At nang maguing isang-taon na hindi dumarating bagá, inutusan capagdaca si don Diegong pangalauá. Sumunód at di sumuay sa hari niyang magulang, iguinayác capagcuan cabayo niyang sasac-yán. Pagca-handa'i, lumacad na cabunducan ang tinumpá, at hahanapin nga niya ang bunying ibong Adarna. Mahiguit sa limang buan nag-lacad niya sa párang, hindi naman maalaman ang Tabor na cabunducan.