Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 11, 2025
Capagdaca ay tinauag ang caniyang tatlóng anác, ang dalauang lilo't, sucáb siyang lumapit na agád. Itinanong capagcuan ang ibon cung napasaan, sagót ni don Pedro't, saysay si don Juan ang nagbantay. Ang nagpauala po'i, siya doon sa ibong Adarna, at cun cami ngang dalauá huag mo pong biguiang sála. Ang uica nang haring mahal ay hanapin si don Juan, at nang aquing maalaman cun sinong may casalanan.
Ang guinaua nilang laláng ang dalaua'i, magsasabáy, saca hahalili naman ang príncipeng si don Juan. Ay nang isang gabí bagá ang ora'i, á las doce na, guinising na nang dalaua ang bunsóng capatid nila. Si don Juan ang nagbantay niyaong gabing calaliman, nang magmamadaling arao siya'i, agad nagulaylay.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap