Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 14, 2025
Nagkakahiyaan noong una datapuwa't ilang saglit lamang ay nagiba na ang kanilang damdamin: waring naguusap ng kusa ng tapatan. Nawala ang mga sandaling kanilang kanina ay pinapaghaharing katahimikan. Waring nangapipi ng hindi naman. Ang naghahari sa kanilang puso ay ang pagirog, ang pagibig na malinis. Magkapiling ngayon ang kanilang mga damdamin na waring mga dati'y nabilanggo.
Sisihin mo n~gayon ang sariling isip at hindi na araw ito nang pagibig ang tatamuhin mong damay sa paghibik ang idalan~ging ka sa Dios sa lan~git. Tugon n~g Princesa'y sa pusong mabatyag tumaghoytaghoy na't ang wika'y ay palad ang dukhang suminta sa uring mataas damay sampung buhay ay di rin katumbas.
Pakatandaang lagi na ang tunay na pagibig sa Dios ay siya ring pagibig sa Tinubuan, at iyan din ang pagibig sa kapwa. Itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan n~g puri't kaginhawahan ay ang ikaw'y mamatay dahil sa ikaliligtas n~g Inang-Bayan. Lahat n~g iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw'y may hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at ginagawa.
Si Tirso ay kasal sa babaeng iyon, oo, nalalaman niya; n~guni't ¿bakit pa niya hahan~garin ang mapapisan sa isang talipandas na walang tunay na pagibig sa kanya? Saka, ang kanilang pagkakasal ay lihim na lihim at walang sinomang nakamamalay liban sa hukom na sa kanila'y nakialam.
Sa puso't sa kaluluwa, naghahari ang ligaya, walang guhang di pagsinta ang pangdulot sa tuwi na. ¡Oh, ligaya n~g mabuhay, ¡Oh ... pagibig na taglay: Ikaw lamang, tan~ging ikaw.... Ang lunas ko, kaylan pa man! Halika't huwag bawiin ang payapang na sa akin, halika't ako'y kalun~gin sa bisig mong ginigiliw.... Kung ang buhay ay pan~garap ay nasa ko ang man~garap.
Bago nagsumpaan ang kanitang puso sa pagiibiga'y ipinagtapat kong ang gagawin nita ay lubhang maselan; sa gawang pagibig upang ang dalawa'y payapang mabuhay ang lahat n~g gawang hindi nararapat ay pakalayuan.
Marahil nagkakaagawan ang dalawang kuròkurò sa dami n~g magkasangayon; n~guni't dapat unawain na ang dami n~g babaeng hinan~gaan sa gandá sa kasaysayan n~g Sangsinukuban n~g Pagibig at pagmamagarâ, ay sa gulang na tatlong pu't limang taon. Si Ninon de Lenclos nagkaroon n~g maraming man~gin~gibig n~g siya'y may anim na pung taon at sa gulang na siyam na pung taon ay may pumapalike pa.
Si Cleopatra sa gulang na tatlong pu't walo niya, n~g aglahiin sa pagibig ang m~ga hari. Si emperatris Josefina na bumihag sa pusô ni Napoleon I, ay matandâ kay sa gulang nito, n~g siya'y mapakasal na ang lahat ay nagsasabi na siya'y lalong bata sa emperador sa pagmumukhâ.
Bahaginan mo n~g iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapus-palad. Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi n~g pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa't m~ga anak, sa iyong kapatid at m~ga kababayan. Parusahan ang sinomang masamang tao't taksil at purihin ang mabubuting gawa.
Ang isang pusong salawahan at walang iisang pagibig ay asahang pusong marungis na siyang magtuturo ng landas sa kapariwaraan; at pusong siyang magdudulot ng kasawian sa kapwa pusong dalisay at wagas. Ngayon ay iniwaksing lahat ni Eduardo ang mga gunitang: nauukol kay Leoning! Nalaman niya ang lahat. Kay sama ng ibubunga kung ang isang pusong tatangkilikin ay isang pusong walang iisang pagibig.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap