United States or Portugal ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa puso't sa kaluluwa, naghahari ang ligaya, walang guhang di pagsinta ang pangdulot sa tuwi na. ¡Oh, ligaya n~g mabuhay, ¡Oh ... pagibig na taglay: Ikaw lamang, tan~ging ikaw.... Ang lunas ko, kaylan pa man! Halika't huwag bawiin ang payapang na sa akin, halika't ako'y kalun~gin sa bisig mong ginigiliw.... Kung ang buhay ay pan~garap ay nasa ko ang man~garap.
Lui: Tayo na't ating tungain saro n~g ating paggiliw. Ang: Ang bawa't iyong mahiling, ay aking tatalimahin. Tayo na sa himpapawid na pangdulot ay pag-ibig.... Doon, ang lahat ay tamis, aliw, ligaya at....lan~git! Ating limutin ang hirap at lasapin ay pagliyag. ¡Tayo sa bayang pan~garap at doo'y, walang bagabag! Lahat: ¡¡¡Angeling....!!! Ten: Bili na kayo n~g mané.... Tib: ¡¡¡Angeling....!!!
Lalabas ang KORO ng BABAE at LALAKE, na nagsisiawit: Gabí. Tagpo I. =Coro ng mga BABAE at LALAKE.= Coro: ¡Tayo! ... ¡Tayo na sa Cine! Tayo nan~ga magliwaliw! ¡Anong inam! ¡Anong bute! Nang Cineng kawile-wile. Sa cine'y napapanood maraming kababalaghan Laging sayá ang pangdulot sa madlang nasasakitan. ¡Tayo!...¡Tayo na sa Cine! Tayo na n~ga magliwaliw! ¡Anong inam! ¡Anong bute!