United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !


At sa pangungusap na iyon ni Leoning na narinig ni Eduardo ng boong liwanag hindi nga yata kita palad ay waring naging subyang na mahapding tumarak sa kaibuturan ng kanyang puso. Ano ang kahulugan ng mga pangungusap na iyon ni Leoning...? Hindi raw palad.... Ang ganito ay may ibig sabihin ang lahat. Wala halos naibigkag si Eduardo kundi: ¡Ay! Leoning!

Nang mga nakalipas na araw ay hindi niya inaalumana ang mga dating kilos na iyon ng asawa sa pagaakalang matapat ang pagmamahal sa kanya. Buo ang pagasa niya na ang mga ginagawang pagalis na iyon ni Leoning ng sariling tahanan ay may mga pinupuntahan lamang na mga kaibigang babae o kaibigang dalaga.

Asahan mong ako'y di marunong lumimot sa sinanglaan ng pagibig. Leoning, salamat. At hinawakan ang kamay ng binibini na dahilan sa galak ng kanyang puso.... Datapuwa't ang kanilang maligayang paguusap ay nahinto. Ang masaya nilang paguusap ay nabulabog. Ang kanilang pagngingitian ay natigil, kapwa nagulat ang dalawa. Bakit? Ano ang kahulugan noon? Isang putok ng rebolber ang kanilang narinig.

Bulaklak na uhaw sa patak ng hamog sa kaumagahan at anyung nalalanta; kampupot na ang kabanguhan ay humahalimuyak nguni't ang kasariwaan ay waring naluluoy na, katulad ng isang talang untiunting tinatakasan ng liwanag, ganyan, ganyan ngayon ang kaparis ni Leoning. Ang kanyang puso ay waring may subyang. Nangungulilang lubos sa mga kaaliwan sa buhay.

At, habang lumalakad ang panahon, si Leoning ay lalong dumadami ang kakilala: mga matataas na tao at marami'y mga titulado pa. Hindi kung sino sino lamang na mga binata. Ano pa't sa matataas na lipunang lagi madalas siyang maanyayahan.

Ninais niyang si Leoning ay biglain, na, ang gayon ay hindi naman mamasamain ng binibini pagka't isang biro ng kanyang irog. Ang ginawi namang yaon ng binata ay hindi masama o pangit na magiging daan ng masamang pagtingin ng sino man kina Leoning.

Ginawa ni Leoning ay ipinakilala naman kay Fely Ester ang kanyang dating kasayaw na si Daniel Perez. Kaya sa pangyayaring yaon ay nagkapalit ng makakasayaw ang bawa't isa sa kanila: si Leoning ay makakasayaw ni Eduardo at si Ester naman ay makakasayaw ni Daniel Perez.

At kung naroon si mang Alejandro ay walang salang naroon din si Leoning at si aling Rita. Di nga mangyayaring mawala. Noo'y naghahari ang gayon na lamang kasiglahan ng sayawan. Sa bawa't mukha ng mga panauhin ay walang ano mang kalungkutang mababakas. Lahat ay ngumingiti.

Isang batisang pinagmumulan ng mga pangarap at kaaliwan para kay Leoning ang kanyang puso sa dahilang siya'y umiibig. Datapwa't sa pagkalugod ni Leoning ay parang nakatatanaw siya sa kabilang dako ng manipis na ulap: nalulugod siya sa harap ni Eduardo, nguni't iilang sandali na lamang ang itatagal ng kanilang paguulayaw at pagpapalitan ng ngiti at titig.

Ang nasa harap niya ay si Eduardo, isang uliran, mabait at matimtimang binata. Walang kilos na magaspang at marungis na paguugali. Nang mga sandaling yaon ay idinadaing niya sa harap ni Leoning ang dalisay na tibukin ng kanyang puso sa dahilang sinisinta niya nang tapat si Leonora. Leoning, malaon nang ang palad ko ay nasa kandungan ng dusa.

Salita Ng Araw

ginang

Ang iba ay Naghahanap