United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang Catotohanang umaahon sa isáng bal-on, marahil ay isáng pagbibigáy cahulugáng nápacamatindíng libác. Sa guitnâ n~g patio n~g tribunal ay naroroon ang caayaayang pader na na caliliguid sa isáng bal-on; ang pader na yaó'y batóng buháy na magaspáng ang pagcacágawâ.

At cun hindi rin pinagsasaolan n~g pulso, at hindi pinapauisan nang mainit, ang isang cepillo ay ibabad mo sa aguardiente at icuscos sanang mahigpit sa boong catauan. Cun ualang cepillo,i, na-aari rin ang isang basahang magaspang; at cun ualang aguardiente ay na-aaring icuscos ang darac man lamang na totoong mainit, at balot sa isang basahan.

Nawalâ ang magaspáng at bugál-bugál na tinig ni parì Dámaso at ang humalili ay mairog na anyô n~g pananalitâ. Nagpasimula si María Clara n~g pag-iyác. ¿Tumatan~gis ca ba, anác co? ¿bakit ca ba umíiyac? ¿Nakipagcagalit ca ba cay Linares? Nagtakip n~g m~ga tain~ga si María Clara. ¡Huwág sana ninyó siyáng bangguitín ... n~gayón! ang sigáw n~g dalaga.

Itinanóng ang sacristán mayor pagdatíng sa sacristía. ¡Natutulog pa! ang sa canyá'y caniláng isinagót n~g magaspang na anyô; ¿hindî mo ba nalalamang nilooban cagabí ang convento? Híhintayin cong siyá'y maguising. Minasdán siyá n~g m~ga sacristán niyáng anyóng magaspáng na talagáng asal na n~g m~ga taong bihasang silá'y alimurahin.

Sino man sa m~ga nacacakilala sa franciscano'y hindi na~ngaghihinala man lamang na siya'y may taglay n~g gayong lubhang m~ga caguiliwguiliw na damdamin; hindi inaacala n~g sino mang sa ilalim n~g gayong matigas at magaspang na anyo'y may tangkilic na isang puso. Hindi nacapanatili roon si pari Damaso, at umiiyac na parang musmos na lumayo sa dalaga.