Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 5, 2025


Mahigit sa kailan~gang panahon n~ga ang nagamit ni Elsa sa pagsisiwalat n~g tanang dalamhati n~g kaluluwa niya sa kalatas na kanyang ipinadala kay Tirso.

Kay Dioni naman, ang nadatnan niyang bakas n~g luhang umagos sa pisn~gi ni Elsa ay naging isa pang patibay n~g kanyang m~ga salagimsim. Ang paliwanag ni Tirsong hindi pagalis sa pook na iyon, ay ipinalagay lamang na isang mababaw na salamangka.

Datapwa, nang magsalita ang katabi niyang ale na si donya Basilia at ibulong sa kanya sa anyong tila naninisi ang "¿Anong gusot, Elsa, itong pinasok mo? ¿Napakasal ka n~ga ba sa lalaking iyan, o ako'y iyong pinaglalakuan?" ay napukaw ang kanyang kaluluwa't sa kaibuturan n~g dibdib niya'y nagban~gon ang larawan n~g kapalaran niyang inaamis ni Teang, pagkaamis na humihin~gi n~g kanyang pagtatanggol, n~g kanyang paghihiganti, n~g kanyang tanang magagawa....

¡Hindi manyayari! ang bigla't patiling hadlang n~g mestisang mistulang pinagdaupan n~g lan~git at lupa sa sandaling iyon. Nangyari na, Elsa ... malumanay na tugon ni Teang. ¡Pangahas! ang bulalas na wika n~g nasasakitang mestisa, at umanyong duduhapan~gin ang kanyang katun~go. ¡Dios ko! ang tili n~g manang. ¡Elsa! malakas na tawag naman ni donya Basilia. Siyang pamamagitan ni Tirso.

Halika sa loob, Tirso, kung hindi ka talagang nahahalayang makiharap sa akin sa ganitong ayos, anya. Masok ka, at may m~ga kalugodlugod na balita akong iuulat sa iyo. Pagkarinig sa gayong binigkas n~g dalaga, isang pagkahalinang hindi mapaglabanan ang kaagad naramdaman n~g makata sa kaibuturan n~g kanyang sumisikdong puso. Kaya't pigil halos ang paghin~gang sumunod sa nais n~g magandang si Elsa.

Sumurot nang sandaling iyon sa alaala niya ang naging sanhi n~g pagkaalis sa bahay na yaon n~g mabait na dalagang kanyang inaanak sa binyag. At naalaala ring si Elsa ang may kagagawan n~g gayong nangyari. ¡Napakamakapangyarihan n~ga naman ang dios n~g pagibig sa puso n~g kabataan! ¿N~gayo'y saan naroon ang asawa mo? makasandali'y itinanong n~g matanda.

Ako'y walang hinihintay, lalo pang pakailang iwas n~g makata. ¿At sino naman ang susulat sa akin sa m~ga araw na ito? Si Teang ... si Elsa.... Si Teang ay hindi. Si Elsa, manapa.... Hindi nalalaman ni Tirsong tinik na sumubyang sa dibdib ni Martinez ang huli niyang winika. ¿Susulat sa kanya si Elsa? ¡Talagang hindi namamali n~g hinala si Martinez!

Elsa, sa dakong iyan n~ga may bagay na dapat tayong kilalanin: na ang pakikipagtalik sa babae, kung minsan, ay nagiging paglalaro n~g apoy at sa ating pagkikilala ay sinasabi ko sa iyong ako ... ay nadarang, nasalab, napaso. Dahil dito'y patawarin mo n~ga ako, at sa lahat at lahat ay pinatatawad naman kita.... Ganap nang naglaho ang tanang namamalas n~g m~ga balintataw ni Elsa.

Natulig si Elsa n~g gayon na lamang nang maunlinigan ang ganitong saad: Teang ko, Teang ko, ang biro ng palad sa ati'y huwag mong ipagalapaap; naririto ako't hanggang huling sukat n~g ating daratni'y sumisintang tapat. ¿At tumatangis ka? ... Ang luha mong iya'y tipirin sinta ko't di pa kailangan, sa piling ng aking malamig na bangkay saka mo na roon guguling minsanan....

Ako ay nasa piling mo sa lahat n~g sandaling kailan~gan ang aking magagawa; n~guni't ang nagdaan sa palad mo, Elsa, ay di pa isang sigwa, kundi isa lamang bahagyang biro n~g Panahon sa gaya nating paharap sa pintuan n~g Luwalhati ... Huminahon ka, at hindi kita pababayaan.... Naito na si Dioning han~gos at putlangputlang di halos makapan~gusap.

Salita Ng Araw

pagkapagin

Ang iba ay Naghahanap