Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 24, 2025


Hindi niya nalalaman na noon pa lamang mga panahong nakaraan ng kanilang pagsasama ay siya ay pinagsusukaban na ni Leonora. Kaawaawang Daniel Perez? Ang kanyang buong akala at pananalig ay matapat sa kanya ang kabiyak ng pusong si Leoning, datapwa't hindi niya nalalaman ay pinagtataksilan pala siya.

Iniisip ng magsasapatos na siya'y makauutang ng mga katad; datapwa't di siya pinagkatiwalaan ng maytinda. Bayaran mo ako, ang sabi sa kanya, at pumili ka ng iyong ibig, sapagka't alam na namin kung gaano kahirap ang maningil.

Parang kakahapon lamang na sila ni Eduardo ay lagi ng maliligaya at nagduduyan sa katamisan ng pagibig datapwa't ngayon, ngayon ay parang naging ulap na lamang, paraparang naglahong lahat. Kahabaghabag na Eduardo! Pusong sawi at kulang palad!

Sa di kawasa'y nakásalubong sila n~g isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katan~gian at mandi'y umaanyayang siya'y pakagalan~gin, datapwa't ang sibul na marun~gis na budhing taglay n~g apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang pagliban~gan~g uruyin ang kagalang-galang na matandâ. Ang isa sa kanílá ay siyang unang umaglahi.

Ano nga naman ang kahulugan ng pagluhang yaon ni Leoning na kinahabagan na tuloy ni Eduardo. Ayon sa napakinggang mga kataga ni Eduardo kay Leoning ay hindi nagbabago, hindi lumilimot at dati rin ang pagmamahal sa kanya ng binibini datapwa't ano ang kahulugan ng lahat ng iyon: Hindi lamang siya palad.... Lumuluha ang binibini dahilan sa isang Eduardo.

Datapwa't nang may apat na buwan na kami roo'y inisip ng tatay ko ang kami'y bumalik sa bayan sa pagka't siya'y magaling na sa kanyang sakit at nagpapalakas na lamang. Nang ipabatid sa akin ang kanyang tangkang iyon, ako'y lumigaya at nasabi kong wala nga palang hirap na di napapalitan ng kaginhawahan.

Aywan ko, n~guni't n~g aking imulat ang m~ga mata ay nakita kong ang bangkay ni amá ay na sa isang munting papag at pasan n~g apat kataong maglilibing; susundán ko sana, dátapwa't ang sakít n~g aking m~ga buto'y hindi nagpahintulot sa gayón, kaya't ako'y naiwan sa calaboso , na, bukod sa salanta ang katawán ay isang araw n~g sinkád na hindi kumakain.

Humihip n~g boong galit ang bagyó halos sa magdamág; hindi sumicat ang isá man lamang bituin sa boong gabí; nagpatuloy ang waláng pagcasiyahan sa hirap na m~ga ¡ay! na nacacahalo n~g m~ga buntóng hinin~ n~g han~ging malacás, datapwa't nasunduan niyáng bin~ ang Naturaleza't ang m~ga tao; nagpuyát palibhasa ang Dios ay hindi siyá náririn~gig.

Naligalig si Ibarra; lumin~gap sa canyáng paliguid at humahanap n~g alin mang súloc, datapwa't punôngpunô ang boong simbahan.

Datapwa't ng masiyahan na siyang di pala kaharap si D. Armando at ang nangyaring yaon ay panaginip lamang, dinapuan siya ng isang kalungkutang na ikinalugmok tuloy sa isang panig ng tahanan. Sumandaling napalagak sa gayong anyo si Ernesto, at pagkatapos ay nagturing na: Hindi, hindi nga nararapat na ako'y mangibig at sangayunan ang sa aki'y idinudulot ni Magdalena.

Salita Ng Araw

babahin

Ang iba ay Naghahanap