United States or Armenia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pagpilitan mo na houag catamaráng pagaralan ang lección; cun di matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa maestro caya, houag mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa bait nang iba, ay capurihán naman nang isang bata ang mag-tanong sa marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hubád na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di agád matutuhan ang lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.

Iniabot niya cay Juan ang bató at pinag bilinang ang uica,i, ganito, pacaiin~gatan at mamahalin mo houag masasabi sa alin ma,t, sino. At ang batóng iya,i, ang virtud na dala anomang hin~gin mo,i, agad bibigyan ca, pacamamahali,t, in~gatan mo siya houag masasabi sa ama mo,t, iná.

Itong monaguillo'y, agad n~g sumagot: na caniyang tutupdin sa among na utos, caya n~ga,t, nalis na at cusang naglibot at sa bahay bahay ay manhic manaog. Palibhasa n~gani ay utos n~g cura. lahat n~g magulang tumupad pagdaca at sa arao arao ay nan~gagsisimba,t, anac na dalaga'y, canilang casama.

Siya'y malulungkot, nguni't masasayahan agad pag sinabi kong naparam na ang lahat, pagka't ang ligaya ko'y ligaya rin niya.

Ayon kay Leoning ay tahanan ng dadalawing kaibigang dalagang si Fely! Kaya sa pagpasok na iyon ng pintuan ni Daniel ay waring natawagan agad ang kanyang pansin na doon ay walang tumitirang dalaga. Hindi rin naman kaila sa kanya ang mga pook na iyon at madalas din niyang mapagaabot. Kaya nabuo sa kanyang paghahaka na sadyang may ibig sabihin ang ginagawang yaon sa kanya ng asawa.

Sa gayong narin~gig agad linapitang n~g Principe yaong bangcay n~g sing hirang pinagduoóp ulo ang capoua magulang tinauag at saca ganito ang say-say: "Ang parusa'y pagcat iniyong inaamin ang Pari sa sala pilit tinatacuil sa iniyo'y hatol co n~gayo'y uliniguin magpacailan man huag lilimutin: Magcabicabila dacong taguiliran n~g dalauang bangcay bun~ga ninyong mahal, cayo'y magsilapit magcauit n~g camay sa canila'i patong sumumpang matibay.

Cung maquita niya sino mang may hapis ang luha sa mata,i, dadaloy na pilit, at di pa magcasiya sa habag ang dibdib ang tulong at lin~gap agad icacapit. Sa cay Esperanza,i, ualang masisilip na hindi mabuti at ugaling pan~git liban sa salita nang masamang bibig na ang cahinhina,i, nagculang nang muntic.

Cun gayon ay cailan~gang isaoli agad ang buto doon sa caniyang lugar, sapagca cun pinabayaan nang malauong panahon ay hindi na maisaoli, at ang hucay na talagang pipihitan noon, ay nagcacalaman, at caya hindi na maaring sumoot doon.

Saka nang tanggapin nang Princesa't Dama ang bilin nang Hari ay nagsigayak na at sa palasyo ay nan~gaglakbay sila't bilang sa General makikipagkita. Nang mapanhik sila doon sa palasyo agad nakilala yaong si Honrado nang Princesa't Dama kaya n~ga't nanglumo ang puso't sa lumbay na di mamagkano.

¿Ang iba mong kasamahan? ang wari'y sagot na tanong din ni Pablo. ¿Bakit mo sila iintindihin ? ¡Di bayaan mo sila! Ang bawa't isa ay dapat humanap n~g kanyang sariling kagalin~gan; kanikanyang hanap at pagsisikap ... ¿At ang aming sumpaan? ¿At ang aming ...? Walin mong kabuluhan ang saló agad ni Pablo.

Salita Ng Araw

ginang

Ang iba ay Naghahanap