United States or Poland ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kamay ni Honrado ay niyong igawad kamay nang Princesa'y iniabot agad at saka ang man~ga mata'y idinilat nagbuntong hinin~ga't gayari ang saad: Ikaw n~ga ang sintang tunay kong katipan na siya kong laong pinahintayhintay at saka kasal na nang dito'y dumatal ako sa hindi ko kinagigiliwan.

Nang dumalaw kami at nang lisanin ka luha'y di mapigil sa taglay kong dusa sampu nang lahat kong kaakbay na dama at sanhi sa iyong naulilang sinta. Honrado ay walang bahid pagsusukab yaring aking puso tungkol sa pagliyag at sa katunayan niyaring pan~gun~gusap sangla yaring buhay na n~gayo'y lilipas.

Totoong namahal yaong si Honrado doon sa Monarka't man~ga konsehero gayon din sa lahat nang man~ga soldado pagka't may dan~gal na'y mababa ring tao. Ang dalawang taon ay nang makaraan ang Francia'y kanya na nabalitaan na sa man~ga turko,y makikipaglaban dahil sa sigalot na di magkahusay.

Kaya n~ga at gulong lagi ang panimdim niyong naghihintay na Princesang giliw sa araw at gabi ay di magupiling niyong kay Honrado na hindi pagdating. Bakit n~ga ang Hari na kaniyang Ama ay ipinagyaring ipakakasal siya sa Konde Milano, n~guni't naabala't isang taóng taning ang hinin~gi muna.

Ang buong may sala'y ako rin at ako sa naabang palad niyong si Honrado ang hiling kong dan~gal ay niyong matamo sinta ko'y luoy nang dumating dito. Pagsunod kay Ama ang naging salabid na ako'y nakasal sa di iniibig ito'y siyang sanhi nang ikapapatid nang kaawaawang buhay kong nalait.

Makamalay tao ang nawalang isip luha'y tumutulong gumawa nang titik upang mailuwal ang laman nang dibdib at nang matutulan ang bintang na lihis. Honrado ay mali ang iyong paratang na yaong hiling kong pagkita nang dan~gal sa iyo ay isang pagdaraya lamang ang gayo'y huwag mong isagunamgunan.

Ang di nakatakbong kawal na kalaban ay nakasama nang bihag na General nang magbalik na sila sa kaharian ay hindi masayod yaong kasayahan. Tuloy inusisang General nang hukbo pagdaka anila'y napatay sa kampo siyang nagpauna yaong si Honrado at aming inusig ang man~ga Persiano.

Matapos isulit ang ganoong bagay muling ipinikit ang mata nang bangkay si Honrado nama'y agad nagkumpisal at di rin nalao't nakitil ang buhay. Nang mailibing na yaong si Honrado umuwi noon din ang man~ga soldado sa kanikanilang pinagmulang Reyno at ibinalita ang nangyaring ito.

Nan~gagsisalubong ang tanang ginoo doon sa Kastilya't ang man~ga soldado at itinuloy na sa Real Palasyo na itinalaga nila kay Honrado. Isa man ay walang nakakikilala doon sa General na balitang sigla anopa't ang lahat ay nan~gagsasayá tan~ging nalulungkot lamang ang Princesa.

Saka nang tanggapin nang Princesa't Dama ang bilin nang Hari ay nagsigayak na at sa palasyo ay nan~gaglakbay sila't bilang sa General makikipagkita. Nang mapanhik sila doon sa palasyo agad nakilala yaong si Honrado nang Princesa't Dama kaya n~ga't nanglumo ang puso't sa lumbay na di mamagkano.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap