United States or French Southern Territories ? Vote for the TOP Country of the Week !
Babae madaling umuwi sa bahay at sa asawa'y sinabi ang banay niyong matalastas ay sumama naman at noon din siya'y tambing nagkumpisal. Sinabi ang yaring salitaan nila sampung kasulata't pagkapirma niya saka ang pitaka ay ipinakita gayon din ang pako at ang martilyo pa.
Matapos isulit ang ganoong bagay muling ipinikit ang mata nang bangkay si Honrado nama'y agad nagkumpisal at di rin nalao't nakitil ang buhay. Nang mailibing na yaong si Honrado umuwi noon din ang man~ga soldado sa kanikanilang pinagmulang Reyno at ibinalita ang nangyaring ito.