Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 18, 2025


Pagca ganito ang lagay nang maysaquit, at talagang hindi siya lulubha,t, bubulutun~gin nang marami,t, masamang bulutong, ang lagnat ay ungmuunti ó hindi lamang nauauala; saca dungmarami ang bulutong, at sungmisibol sa licuran at sa pig-yi, sa tiyan, sa hita,t, sa man~ga paa; cun minsan maraming totoong bulutong ang sungmisibol sa talampacan.

N~guni cun minsan ang saquit ay malaqui pa sa sinabi co n~gayon. Ang may cataua,i, guiniguinao muna nang malaqui; sungmusunod sa guinao ang isang malaquing init at ang saquit nang ulo, at hang gang di lumitao ang culebra , ay parating ibig sumuca ang maysaquit. Pagca sibol nang culebra na yao,i, sa icalaua ó sa icatlong arao, ay ungmuunti ang lagnat at hindi na ibig sumuca ang maysaquit.

Ang damdam nang maysaquit, na yaong lugar na sinisibulan nang culebra ay mainit na totoo, na yaon ang di icatulog niya; ang saquit ay lungmalaqui sa dalaua ó tatlong arao pa. Saca hindi nag-iiba hangang sa lumalo ang isa ó dalauang arao; ungmuunti tuloy at may nalalaglag sa balat na masaquit na tila calisquis, at nauauala ang saquit.

Datapoua cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ó cun maigui ang pag-gamot doon, ay ang maysaquit nananatili sa lagay na yaon na sinaysay co sa párrafo 192; hindi siya lungmulubha, at hindi rin dinaraanan nang man~ga sinabi co sa párrafo 193, na linaluan nito, bagcus ungmuunti ang lagnat at ang saquit nang ulo; ang pag-iilaguin ay malacas sa rati, at nacacaguinhaua sa caniya, at gayon din ang pag-ihi; nacacatulogtulog na ang maysaquit; ang dila,i, lungmilinis, at magaling-galing na ang pagcaramdam nang may catauan.

Datapoua cun malaquing saquit yaon, cun malaqui naman ang lagnat, at ang pulso,i, malacas at matigas, ay cailan~gang sangrahan nang caunti ang maysaquit, at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat ay sasangrahang minsan pa, ó macalaua caya.

Datapoua cun baga ungmuunti ang casiquipan nang sicmura at lungmalambot-lambot ang tiyan, ó cun nacacatulog-tulog na ang maysaquit, caalam-alam ay gungmagaling.

Salita Ng Araw

kumalat

Ang iba ay Naghahanap