Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 10, 2025
Caya naquiquilala, na yaon ay dala nang dugo, sapagca ang pulso ay matigas at puno, na lalo sa ibang man~ga saquit. Ang init nang cataua,i, malaquing malaqui; nauuhao ang maysaquit; ang mata, ang ilong, ang man~ga labi, ang dila, at ang lalamunan, ay tuyong tuyo. Ang saquit nang ulo ay malaquing totoo, at pag lungmalaqui ang lagnat cun hapon, cun minsan tila nasisira ang bait nang maysaquit.
Cun ang gayong saquit ay bigla,t, malaqui, cun ang pagca guinao ay malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang guinao, cun ang ulo,i, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay nag-iilaguin nang darag-is, ó pinapauisan nang marami; ó cun totoong tuyo ang balat, ó nag-iiba,t, sungmasama ang hichura nang muc-ha, at hindi dungmarahac, ó cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas, ay nasasapan~ganib ang maysaquit.
Ang unang namamaga ay ang paa at hita, at hungmahalili ang boong catauan; sa bay-auang mayroong isang tila bucol; ang balat ay ga maguintab, namumutla, at lungmalamig, at hindi lubhang nacacaramdam; ang paghin~ga ay mahirap, at lalo pa cun gab-i, ó cun bagong nacacain; ang maysaquit nag-uubo; hindi pinapauisan; ang pulso ay munti, malalim, madalas at gulo; ang ihi ay hindi luto, at hindi rin marami; ang inaiilaguin ay hindi rin luto, at may dugo pa cun minsan; ang maysaquit ay mahina; nauuhao na parati, at hindi macacain; ang dila cun minsan; ay tuyo.
Sa bibig ay sosootan nang isang caputol na damit na marami ang suson, nang houag macagat ang dila; boong cataua,i, cucuscusin nang damit na tuyo; mabuti sumpitin nang tubig na dinoonan nang asin; bibigquisan ang man~ga paa sa ibabao nang tuhod; at ang man~ga camay sa ibabao nang sico; paamoyin nang man~ga mabaho, para n~g pacpac nang manoc, ó balat nang baca, ó suca man.
Cun baga mayroong babaying nacapan~ganac na, at hindi lungmabas ang inunan, ang mabuti doo,i, sangrahan sa camay cun baga malacas ang babayi, at gauin ang ibang man~ga bilin sa párrafo 481. Ang gaua nang iba,i, ang isang sariuang taying cabayo tinutunao sa alac sa misa at ipinaiinom sa maysaquit. Ang guinagamit nang iba,i, ang taying tuyo.
Iinomin nang maysaquit ang calahating tazang mahiguit, isang oras bago cumain cun umaga, cun tanghali, at cun gab-i. Ang timbang dalauang pisong pinagquiquilan nang bacal, at ang timbang isang salaping rudang tuyo, sampon nang timbang isang salapi ring anís, na binayong maigui, ay isasama sa caunting pulot ; ang timbang tatlong bahagui noon ay lolonoquin nang maysaquit maghapon.
Mabuti rin libutin ang paa nang gaboc na tuyo na mainit init, na may casamang asin; houag siyang uminom nang maraming tubig; uminom siya n~g caunting alac. Cun umaga,t, cun hapon, ay paiunumin ang maysaquit nang bilin sa número 20, timbang saicaualo, na tutunauin sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao.
Saca sasalain bago hulugan nang calahating tazang suca, ó gata nang dayap ó cahel. Itong gamot na ito,i, uubusing iinumin nang maysaquit sa loob nang isang arao. Ang ugat nang valeriana pati nang catauan ay ibilad mo sa arauan. Pagca tuyo, iyong bayuhin at paraanin sa sinamay.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap