Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 29, 2025
Sa man~ga sasabihin co n~gayon mahahalatang marugo ang may catauan; sa macatuid: Cun siya,i, malacas cumain; cun siya,i, cungmacain nang maraming carne, ó ungmiinom nang alac; cun hindi sungmasama ang damdam nang caniyang sicmura; cun mahaba ang caniyang tulog, cun hindi siya binabalin~goyn~goy, ó hindi binubusan ó pinananaugan nang maraming dugo. Cun gayo,i, marugo ang may catauan.
Ang gagauin sa lalaqui ó na babayi cun nagcacasaquit nang malaquing saquit, at tuloy sinusubaan ó nadedesmayo. Ang desmayo cun sungmasama sa ibang man~ga saquit, ay masama. Ang nagcacasaquit nang lagnat na buloc, caya siya nadedesmayo ó sinusubaan, sapagca marumi ang sicmura, at capag siya,i, nacapag-ilaguin ó nacasuca, ay nauauala ang desmayo.
Cun ang gayong saquit ay bigla,t, malaqui, cun ang pagca guinao ay malauon, at ang maysaquit ay totoong naiinitan pagca nacaraan ang guinao, cun ang ulo,i, nasisira pagcaraca, cun ang may saquit ay nag-iilaguin nang darag-is, ó pinapauisan nang marami; ó cun totoong tuyo ang balat, ó nag-iiba,t, sungmasama ang hichura nang muc-ha, at hindi dungmarahac, ó cun lungmulura, ay dugo lamang ang lungmalabas, ay nasasapan~ganib ang maysaquit.
Ang dinaraanan nang frenesí ay nalalagnat; nasisira ang bait; sungmasama ang loob niya, pati nang pagtin~gin, na dahil doo,i, anaqui bungmabagsic; ang pulso,i, matigas, mapula ang muc-ha, ang bibig ay tuyo; hindi macatulog siya nang mahimbing; sa ilong mayroong tungmutulong tubig; mayroon namang tungmitiboc nang malacas doon din sa quibotquibotan at sa liig; ang maysaquit ay hindi nauuhao, baga man tuyo ang caniyang dila.
Ang babaying nagpapasuso,i, maigui magsumpit siya, at ang gatas na masama palabasin sa suso. Cung baga ang convulsión nang bata sungmasama sa bulutong, ó ticdas, ó sa ibang bagay na lagnat, ay hindi cailan~gan ang ibang gamot doon, cundi ang iguinagamot sa saquit na casama nang convulsión. Nota.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap