United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !


Nan~gag panaugan ang lahat at naiwan si Peping sa harapan n~g kaniyang pinipintuho, niyaong tala sa madaling araw, niyang di man dahil sa kaniyang m~ga pahiyas ay sapat n~g makatunaw n~g isang pusong bato, yumuko ang ating binata di makabata sa m~ga pasaning idinudulot sa kaniya ni Pag-ibig, n~gunit pinakapilit ding paglabanan ang lahat n~g ito, itinaas ang m~ga mata at nagsalita: Hangang kailan pu kaya titiisin ninyo ako sa pagbabata n~g m~ga ganitong kahirapan at kulang pa pu ba ang m~ga katunayang naipamalas ko na? tuloy dinampot ang kamay n~g kaniyang sinusuyo't ginawaran n~g isang piping bulong; ipinitlag n~g binibini ang kaniyang kamay n~gunit na huli sa panahon.

At pagkaraan n~g ilan pang m~ga kumustahan at pag sasalitaan n~g iba't iba pang m~ga bagay ay siyang pagtugtog n~g walong "ting" n~g isang orasang nakasabit sa isang haligi na nasa gawing kaliwa n~g binata. Nagtindig si Peping at nagpaalam sa mag-ali. Isang tin~ging naglalagkit n~g binibini ang ipinabaon sa binata at ito namay isang mapun~gay na titig at nanaog.

Bakit? Bakit? ang sigaw ni Anchang at sinapupo ang kaniyang irog. ¡Patawad! ang kalunos lunos na taghoy ni Peping at nabual na di napigilan ni Anchang. At n~g makita ni Delang ang kaawa-awang bangkay ni Peping ay napasigaw. ¡Dios ko! ¡anó itong aking nagawa?...Nagsisi, nanan~gis, nanaghoy....

Daang N..... isang makipot na landasing patun~go kina Delang; dito naglalacad n~g totoong mabanayad ang ating Peping, nakatun~go iyang mapalad na binata na waring inaalaala ang m~ga nagdaan niang gabi sa pook na yaon.

Si Peping ay tapat ang pagibig at sa kaniya'y wala akong paniwalang mapapariwara lamang ang pag-asa ko, wala akong nalalamang itinatan~gi siyang iba at di ko naman iniisip na siya'y magtatan~gi pa sapagkat naniniwala ako sa kaniyang m~ga pan~gako at di naman niya sasayan~gin ang m~ga pagmamahal ko.

Parusahan pu ninyo ako, kung ako'y nagkasala ang patuloy ni Peping sapagka't ang m~ga yao'y di kinusa n~g aking sarile kundi n~g isang pusong inudyukan n~g nagpipighating damdamin. Ang ating binibini'y di kumikibo kaya't sinamantala ni Peping ang panahon.

Si Peping ay walang malay sa m~ga nangyayari, payapang payapang ginugunita ang napakasarap niyang buhay. "Magkapatid ang nasa kamay ko" ang ulit ulit na sinasabi ¡kay tamis n~g aking kapalaran na pinag-aagawan n~g dalawang magagandang binibini! Ang aking pag-ibig ay dalawang puso ang sumasariwa, siyang nagdidilig pagdating n~g oras, anó pang ligaya n~g buhay ang hahanapin?"

Kung inaakala pu ninyo na ang buhay ko'y katumbas na n~g nagawang kapan~gahasan narito at iniaalay ko po sa ikasisiya n~g inyong naghihigpit na kalooban, at palibhasay walá din lamang namang kabuluhan ito kailan mat api sa pag-irog, kailan mat walang aasahang balang araw ay kaisa sa lalong mataas na kapalaran, kaya't, inihandog ko na upang una'y n~g wala n~g Peping na gagambala pa at ikalawa'y n~g wala na namang Peping na nag babata pa n~g m~ga kahirapan.

Sumagot naman si Amado sa m~ga salaysay na natapos: Isang katiwaliang malaki ang m~ga pagmamatwid n~g kaibigan kong Peping sapagkat ang m~ga batás na yao'y di upang putulan n~g kalayaan ang bawat isa kungdi upang tangkilikin ang kapayapaan at pananahimik n~g m~ga mamamayán. Ang kalayaan ay di sa paggawa n~g masama kungdi n~g mabuti.

Makaraan ang m~ga ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at ang lan~git ay biglang nasabugan n~g m~ga maliliit na mata ni Bathala, noon m~ga nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas n~g m~ga lihim na gawa at pangyayari sa boong magdamag. Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig: Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas. Ako ... ang sagot naman. Sinong ikaw? Ako, ang iyong minamahal. Peping!

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap