United States or Ecuador ? Vote for the TOP Country of the Week !


Maging sa tinig na lamang ng kanyang mga pangungusap ay sukat ng mapagkilala ang kanyang kakayanan sa karunungang ito. Siya nga naman ay isang maningning na talang inaasahan ng kanyang bayan. Maging ang kanyang paguugali ay sukat ng mapagkilala ng sino mang kanyang makakaharap na siya ay isang taong may mataimtim na kalooban.

Leoning, balintuna ang iyong hinagap. Alalahanin mong sa kaibuturan ng puso ko ay isa kang bulaklak na pinakakaingatan at laging dinidilig ng aking pagmamahal. Eduardo, marahil ay malilimot mo rin ang lahat ng iyong mga pangungusap. Kung nasa piling mo na marahil ang magagandang bulaklak sa Maynila, na, pugad ng mga pusong uhaw sa hamog ng ligaya ay lilimutin mo na ang lahat ng ito.

At sa pangungusap na iyon ni Leoning na narinig ni Eduardo ng boong liwanag hindi nga yata kita palad ay waring naging subyang na mahapding tumarak sa kaibuturan ng kanyang puso. Ano ang kahulugan ng mga pangungusap na iyon ni Leoning...? Hindi raw palad.... Ang ganito ay may ibig sabihin ang lahat. Wala halos naibigkag si Eduardo kundi: ¡Ay! Leoning!

Kaya't ang kalooban ni Daniel ay waring lalong lumakas at nagkaroon ng tapang sa mahiwagang yaong pagtataksil ng asawa. Dadalawin daw ay isang kaibigan? Si Fely. Oh! kasinungalingang lahat. Anong hiwaga nga naman! Sa loob ng isang silid ay kaagad narinig ni Daniel ang tinig ng mga pangungusap ng asawa. Nakikipagusap sa kinakasuyong lalaki: kay Eduardo.

Alalahanin mong ang puso ko ay katulad ng isang bulaklak na kapag hindi nadilig na isang umaga ay nalalanta; kaya't kung malanta nga ang paglingap mo, ay! sa aba ko ay wala nang pagasa kundi ang tunguhin ang huling hantungan ng lahat. Eduardo, ang lahat ng iyan ay masasabi mo; nguni't pagdating mo marahil sa Maynila, ay pawi nang lahat sa iyong alaala ang mga pangungusap mong iyan sa harap ko.

Ang "reflejaba", bagama't di siyang katumbas ng "kinalalagyan", ay siyang tanging maikakapit dito, upang maging maganda ang pangungusap, palibhasa'y kawangis din ng "kinalalagyan" o "kinalalarawanan" ang "kinalalagyan"; samantalang hindi maikakastila sa "kinalalagian". Nariyan ngayon ang isang bagay, na dapat liwanagin. Alin kaya riyan ang totoo?

At di na nagsalita pa ang binata. Sa mga pangungusap ng matandang Pepe ay hindi na siya kumibo. Ano nga namang kung pinipilit ng maykapangyarihan na siya ay ipagsama? At hustong dumating naman ang karo-ambulansia.

Kaya, malimit makita ang ganitong mga pangungusap: "kaibigang ko", "pinsang mo", "pamangking ko", "Amaing niya". Aywan kung bakit linalagyan ng ligazon "g", gayong kung hindi sa "n" natatapus ang salita ay hindi naman linalagyan.

Walangpalad na binata at lumubog ang maningning na pangalan! Ganyang pangungusap ang madalas na pinaguusapan ng kanyang mga naging kakilala na di nakakamalay ng kanyang lihim. Sayang na Eduardo, na, may maningning na pagasa sa kinabukasan na lumubog at nawala't sukat. Ang kanyang pangalan, ngayon ay nawala na, at, sa pagkawalang iyan ay maraming nagtataka dahil sa malamalikmatang pagkaparam.

Leoning, namamali ka; ang sabihin mo'y hanggang libingan. Hanggang libingan na di mo na maaalaala ang iyong pangako? Marahil nga.... Leoning, saan man mahantong ang aba kong palad ay di maaaring mawalay sa gunita ko't alaala ang larawan mo. Isinusumpa mo kaya ang lahat mong mga pangungusap na iyan? Leoning, sumpa ko. Hanggang.... Hanggang hukay Leoning ko! Leoning! Eduardo! Habang buhay!!!

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap