United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !


"hangad na lumauig". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay naging "ang" ang "na". "Bago mo hatulang catcatin at lico". Sa iba ay ganito naman: "Bago mo hatulan katkatin at liko"; walang pang-ugnay o ligazon "g". Kaya, naging garil. "luasa,t, hulo". Kay P. Sayo ay "lasa,t hulo" na isang maliwanag na kamalian.

Sa kanya nga kaya iyang sunodsunod na "binig-yang" at "daang" at "aquing" at "pang" ...? Katakottakot na "palamuti" at kagulatgulat na pananagalog! Hindi, hindi kay Balagtas iyan. Marahil ay walang ligazon ang "aquin" upang makahingahinga naman ng kaunti ang dagundong ng kalakuerda!... Subali't ganyan ang sa "Kun sino ..." at sa sipi namin.

Tungkol sa "n~guni,i," ay naging parang bugtong na anak ang ligazon "i" o "y" sa lagay niyang ito. Ganito ang maliwanag at walang alinlangang nasa sipi namin: nguni't sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay ligazon "t" ang nakalagay. Sa sipi man naman namin ay laging "t" ang ginagamit sa mga pangsubaling "nguni" at "dapoua". Aywan nga kung bakit dito na lamang naging "i". Maging ang "y" sa "anaki'y" ng "Kun sino ...", sa kanyang: "Pag-ibig anaki'y aking nakilala di dapat palakhin ang bat

Ang mga "anaqui" ni Balagtas ay di ginagamitan ng ligazon . "Minulan ang galí sa pagsasayauan". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay nakalagay ang "galit" sa lugal ng "galí", na tunay na malingmali. Bakit magiging "galit" ang pagkakatuwa, na sinimulan sa sayawan? Ang "galí" ay ang ingay na bunga ng kagalakan, ang pulot at gata ng pagkakatuwa at paglilibang ng marami.

Hindi masabi kundi "kapatid ko", "tula ko", "irog mo", "kasama niya". Walang ano mang ligazon . Nguni't kapagkarakang naging "n" ang katapusan ng salita ay narito na agad ang "paglalaro ng dila" at masagwang paggamit sa pangpagandang ligazon . Ang ligazon o pang-ugnay ay pangpaganda lamang, pang-alis ng kagarilan; nguni't kapag naman sumagwa ay nagiging tunay na kagaguhan, sa pangdingig natin ngayon.

Pinagsama ang dapat pagsamahing "pag" at "saulan", at inalis ang pang-ugnay o ligazon "g" sa dulo nito, na isang kasagwaan na ngayon, dahil sa "ko" ang sumusunod. Nguni't magpahanga ngayon ay buhay pa ang ganyang kasaguwaan sa ilang manunulat.

Sa balangkas na "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hininga'y kamataya't sakit", dahil sa pagkakapalit ng mga ligazon at sa pagiging "y" ng "ng", ang kiyas ay nawala, tumamlay at naging mawigwig ang pangungusap; samantalang puspos ng ganda ang "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hiningang kamataya't sákit"!

Kaya, kung paanong natuklasang may "at" ang "napangarap at nasabi", ayon kay De los Santos, ay dapat ding tuklasin ang lunas sa kagarilan ng tauaguin tangulan". At ang kay P. Sayo, na "tawaging tanggulan" may ligazon "g" ay siyang tama. Tungkol naman sa: "ang Conde Adolfo,i, nag-papacamatáy dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal".

"súcat na ang titig na matáy sa iyó". Ang "matáy" ay naging "matá" kay P. Sayo, na may ligazon "y"; at ang "namatáy sa iyó" ay naging "ang matay sa iyo" sa "Kun sino ...". "sa Crotonang baya,i, ..." Kay De los Santos at sa "Kun sino ..." ay "reino" ang nakalagay sa "bayan"; nguni'y kay P. Sayo ay bayan din.

sa "Kun sino ..." at sa iba pa ay may pang-ugnay na kalakip ang "Corona", na isang "t". Sa "korona't kay Laura'y makasal". Hindi isang kuwit lamang. Nguni't may palagay kaming labis na riyan ang ligazon "t". Tumpak ang kuwit. Sapagka't ang ibig sabihin ni Balagtas ay kaya lamang nagpapakamatay na mapakasal kay Laura si Adolfo'y dahil na dahil lamang sa "Corona", at di dahil sa korona at kay Laura.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap