United States or Saint Vincent and the Grenadines ? Vote for the TOP Country of the Week !


Lumacad na nagtuluyan ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan sinisicatan nang Arao. Aquing lisanin na muna yaong pag-lalacad niya, at ang aquing ipagbadyá ang princesa Leonora. Arao, gabi'i, tumatangis sa quinalalaguian'i silid, ang caniyang sinasambit, si don Juang sintá't, ibig. Cun caya humingi aco nang pitóng taóng término, si don Juan ang hintay co caya nagtitiis dito.

Yao nanga at pumanao ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan icapitóng cabunducan. Ito'i, lisanin co muna manga, pag-lalacad niya at ang aquing ipagbadyá ang princesa Leonora. Parati nang tumatangis sa quinalalag-yáng silid, ang caniyang sinasambit si don Juang sinta't, ibig. Cundi ca guinamot naman nang lobo cong binitiuan, baquit di pinagbalican nang hayop cong inutusan.

Na cun hindi ca binuhay nang lobo cong pinaualán, caloloua mo man lamang aco'y paqui-usapan. Ito'i, itiguil co muna pananaghoy nang princesa, at ang aquing ipagbadyá si don Juan de Berbania. Tatlóng taóng ualang culang ang pag-lalacad sa párang, hindi niya maalaman ang reino nang de los Cristal. Sa malaquing capalaran nang príncipeng si don Juan, ay nasalubong sa daan ang isang matandang mahal.

Isinagót ni don Juan ganitó po ay paquingan, ang aquing pong pinapacay ang reino nang de los Cristal. Sagót nang matanda'i, ito Jesús na Panginoon co, ang pag-lalacad cong ito isang daang taóng husto. Hindi co napag-alaman ang reino nang de los Cristal. iyang hanap mo don Juan malayong di ano lamang.

Yáo nanga't, lumacad na magcapatid na dalauá, cabunducan ang pinunta si don Jua'i, quiniquita. Ito'i, aquing pabayaan na pag-lalacad sa párang, ang aquing ipagsaysay ang principeng si don Juan. Doon naghinahán siya sa bundóc niyong Armenia, tantong caliga-ligaya sa tanang bundóc na ibá. Ang cahoy sa caparangan cauili-uiling pagmasdan, ang damó'i, gayón din naman sadyáng nangagdiriquitan.