United States or Bermuda ? Vote for the TOP Country of the Week !
Yao nanga at pumanao ang príncipeng si don Juan, caniyang pinatunguhan icapitóng cabunducan. Ito'i, lisanin co muna manga, pag-lalacad niya at ang aquing ipagbadyá ang princesa Leonora. Parati nang tumatangis sa quinalalag-yáng silid, ang caniyang sinasambit si don Juang sinta't, ibig. Cundi ca guinamot naman nang lobo cong binitiuan, baquit di pinagbalican nang hayop cong inutusan.
O mahal na pontífice cay Jesús na cahalili, yaring aquing munting sabi ngayo'i, sandaling paquinguí. Ang princesa Leonora ay hindi co tangcá siya, sa balóng aming sinonda doon co lamang naquita. Pinuhunan co nga'i, búhay sa serpienteng nacalaban, at cay doña Juana naman sa giganteng nagtatangan. Cun caya pinagliluhan manga capatid cong hirang, sa singsing niyang naiuan na aquing pinagbalican.