United States or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa malaquing catacután ang lúbid agad tinangtáng, hinila na sa ibabao nang dalauang nagtatangan. At tinanong nanga nila cun ano bagang naquita, paquingan ninyong dalauá ang aquing ipagbabadyá. Ang balón cong nilusungan di co mataróc ang hangán, dilím na di ano lamang aco ay nahintacutan. Ani don Diego naman acó ang inyóng talian, at nang aquing maalaman ang sa balóng cahanganan.

Ang sagót ni doña Juana may lumbay rin acong dalá, at aquing maiiuan pa bunsó cong si Leonora. Nariyan sa cabila naman ang siyang quinalalaguian, may alilang nagtatangan isang serpienteng matapang. Ani don Juang masiglá dito ay iiuan quita, at paroroonan siya capatid mong Leonora. Lumacad na nagtuluyan itong príncipeng matapang, doon sa icalauang bahay sa mata'i, nacasisilao.

O mahal na pontífice cay Jesús na cahalili, yaring aquing munting sabi ngayo'i, sandaling paquinguí. Ang princesa Leonora ay hindi co tangcá siya, sa balóng aming sinonda doon co lamang naquita. Pinuhunan co nga'i, búhay sa serpienteng nacalaban, at cay doña Juana naman sa giganteng nagtatangan. Cun caya pinagliluhan manga capatid cong hirang, sa singsing niyang naiuan na aquing pinagbalican.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap