Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 24, 2026
Ang uica nang princesa doon sa hain mong sinta, malaqui cong ala-ala sa loob bagáng mag-isa. Saan quita ilalagay na iyong pagtataguan, at baca icao ay datnan nang giganteng tampalasan. Yaong lilo at cuhilá sa aqu'i, nag-aalaga, malaqui co ngayong aua sa buhay mong mauauala. Isinagót ni don Juan ualin mo sa gunam-gunam at hamac sa aquing camáy ang giganteng tampalasan.
Isinagót ni don Juan yao'i, sucat mong asahan, cun aco'i, iyong mapatay pagsil-in ang aquing bangcay. Anang gigante at badyá cun gayon ay lalaban ca, hinauacan capagdaca ang espada't, naghamoc na. Sa mabuting capalaran sa Dios na calooban, ay napatay ni don Juan ang giganteng tampalasan. Anang príncipe at badyá ó mariquit na princesa, anong hinihintay mo pa at di pa umalis quita.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap