United States or Pitcairn Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anitong matanda't, saysay pasasaan ca don Juan, sabihin mo't, iyong turan ang layon mo't, iyong pacay. Anang príncipe at badyá ganito po'i, maquinig ca, sasabihin cong lahat na ang sadya cong quiniquita. Ang ama co'i, may damdam sa banig ay nararatay, ang ibong Adarna lamang ang caniyang cagamutan. Bucód dito ang isa pa ngayon ay tatlóng taón na, na hindi co naquiquita ang capatid cong dalauá.
Yáo nanga't, lumacad na magcapatid na dalauá, cabunducan ang pinunta si don Jua'i, quiniquita. Ito'i, aquing pabayaan na pag-lalacad sa párang, ang aquing ipagsaysay ang principeng si don Juan. Doon naghinahán siya sa bundóc niyong Armenia, tantong caliga-ligaya sa tanang bundóc na ibá. Ang cahoy sa caparangan cauili-uiling pagmasdan, ang damó'i, gayón din naman sadyáng nangagdiriquitan.
Salita Ng Araw