United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !


Itong ganitong cólico ay hindi maliuag gamutin; painumin lamang ang maysaquit nang maraming totoong malacucong tubig na malalahocan, cun ibig, nang azucar ó asin. Maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Datapoua cailan~gan painumin ang maysaquit nang marami, sapagca cun caunti ang inumin ay nalalauon ang pag-galing.

Ang lungmalagay sa arauan, at nalalauon doon, ay cun minsan dinaraanan nang panghihimatay, apoplegía; cun minsan ang lalamunan ang masaquit na yao,i, parang angina ó garrotillo; ó cun minsan namamaos, ó namamaga ang liig. Ang apoy nacacasama rin sa tauo cung nalalauon siya sa tapat, at isa rin nang arao.

Datapoua cun hindi nacuha sa man~ga ganoong paraan ang camandag nang saquit, at ang tinicdas hindi guinamot nang paanyo, ayon sa sasabihin sa párrafo 179, ang saquit ay sa baga napapatun~go; at cun ganoon magsasaoli ang pag-uubo, ang lagnat at ang di lumagay ang maysaquit. Itong pag-uubong ito,i, totoong nalalauon, at malacas lumaban sa man~ga gamot.

Ang pinagmumulan nang sipón ay ang pag-urong nang pauis nang catauan at ang cainitan nang dugo. Ang calaunan nang saquit na sipón ay bagay-bagay. Ang sipón nang ulo, hindi lubhang nalalauon; datapoua ang sa dibdib ay malauon sa roon. Cun nalalauon ang sipón, ay masama, sapagca dahilan sa calacasan nang pag-uubo, nagcacaramdam ang boong catauan, at napapasaulo ang dugo.

Cun ang tiyan ang namamaga,i, siya lamang ang linalahiran; at cun ang paa lamang ang namamaga, ay gayon din siya lamang ang lalamasin nang lan~gis, at ang lacad nang camay ay paitaas. Itong gamot ay nacagaling sa marami; lalo pa cun ang saquit hindi pa nalalauon.

Mayroon namang nagcacasaquit na binalingtamad, na di nalalagnat nang malaqui; at capag sungmasaquit na ang man~ga casucasuan, nauauala ang pagcalagnat. Cun ang saquit ay nalalauon sa isang casucasuan, hindi na maiquilos cailan man yaong casangcapang nasaquitan.

Itong isang bagay na saquit na balingtamad, cun hindi guinamot nang paanyo, ay nalalauon nang mahabang panahon at di iilang taon cun minsan; lalo pa cun namamahay sa ulo, sa bayauang ó sa balacang, ó sa hita, na yaon ang tinuturang ceática.

Salita Ng Araw

lumuhód

Ang iba ay Naghahanap