United States or Rwanda ? Vote for the TOP Country of the Week !


Datapoua,i, itong pagsumpit na ganito ay lilimitan. Cun ang saquit nang lalamunan ay natatalo niyong man~ga gámot na yaon, sa icatlong arao ó sa icaapat hangang sa icalima, ay gumagaling na ang maysaquit; at cun ualang sisibol doon, sa icaualong arao malaqui ang caniyang pag-galing.

Cun hindi malaqui ang saquit, sa loob nang ilang arao, ay magaling na ang may catauan. Cun malaqui ang saquit, ó masama ang pag-gamot, ay namamatay ang tauo sa icasiyam na arao, ó sa icalabing ualo, ó icadalauang puo; at cun minsan naman naghalihalili ang paglubha at ang pag-galing galing, at namamatay ang maysaquit sa dacong icapat na puong arao.

Cun minsan ang maysaquit, ay sinisibulan nang baga, ó ibang bagay na sibol doon sa lugar na masaquit, ó dapit doon. Caya cun mayroong naquiquitang sibol, ay gagamuting agad nang médico. Mayroon namang maysaquit na guinagalis at yaon ang pag-galing niya.

Itong ganitong cólico ay hindi maliuag gamutin; painumin lamang ang maysaquit nang maraming totoong malacucong tubig na malalahocan, cun ibig, nang azucar ó asin. Maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Datapoua cailan~gan painumin ang maysaquit nang marami, sapagca cun caunti ang inumin ay nalalauon ang pag-galing.

Cun ang maysaquit ay sungmuca na, ay yaon ang pag-galing niya. Ang gamot sa icapat na bagay na saquit nang sicmura ó tiyan na dala nang han~ging nacuculong doon, na yaon ang pinan~gan~ganlan nang castilang cólico flatulento. Itong ganitong cólico ay hindi nag-iisa cun minsan, cundi napapasama doon sa ibang bagay na cólico, na aquing sinaysay na sa párrafong natalicdan.

Salita Ng Araw

babaho

Ang iba ay Naghahanap