United States or Faroe Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang lungmalagay sa arauan, at nalalauon doon, ay cun minsan dinaraanan nang panghihimatay, apoplegía; cun minsan ang lalamunan ang masaquit na yao,i, parang angina ó garrotillo; ó cun minsan namamaos, ó namamaga ang liig. Ang apoy nacacasama rin sa tauo cung nalalauon siya sa tapat, at isa rin nang arao.
Ang maysaquit ay pinalulucloc sa sahig nang bahay, at ang gungmagamot sa caniya,i, lungmalagay na tindig sa licod nang maysaquit; ipinapasoc sa bibig nang maysaquit sa ibabao nang bag-ang ang dalauang hinlalaqui nang camay, at ang ibang man~ga daliri inilalagay sa ilalim n~g sihang; pagca gayon na ang taya nang dalauang camay nang gungmagamot, ay idiniriin ang sihang na pailalim, at sa dacong licod n~g maysaquit, hangan sa sungmoot sa lugar niya.
Cun minsan lungmalagay ang saquit sa isang cabila lamang nang ulo, ó sa sihang, sa isang daliri, sa bayugo nang tuhod, sa isang tadyang, ó cun minsan sa isang suso, na ang isip nang may catauan na yao,i, cancro.