Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 6, 2025
Siya noo'y nabubun~gad sa pintong paharap sa hagdanan, at sa isang pihit n~g tin~gi'y hindi mangyayaring di niya mapagsino ang pumapanhik na iyon. At nakilala n~ga: ang makatang hinihintay na darating. ¡Ah!... ¡Oh!... Sa pagsasagupa n~g kanilang m~ga mata, dalaw at dadalawi'y kapwa napatdahan n~g dila't tila nan~gapatulos sa kanikanyang kinatatayuan....
"Kahi't saang tumatahip na lupa ako maparoo'y hintayin mo ang sulat ko, bago ka lumiham sa akin." Ang hindi pagkakaroon n~g katuparan n~g ganyang pan~gakong iniwan ni Teang kay Tirso ay di sasalang lumilikha na n~g kabalisahan sa kalooban n~g makatang ito, pagkatapos na magdaang sunodsunod ang ilang araw sa gitna n~g kanyang mainip na paghihintay.
Sakbibi ng isang pagkatwa, ay linisan ni Ernesto del Rio, ng makatang laging tinatakhan ng tanan ang mga ilinalathala sa mga pahayagan, ang marikit na tahanan ni D. Armando. Datapwa't, nang siya'y na sa bahay na, at anyong susulat, ay isang pag aalinlangan ang pumaibabaw sa kaniyang isip, pag-aalinlangang pumutol sa nais niyang yariin ang tulang ipinangako sa pahayagang "Ang Ilaw."
At kapwa sila umamin, lubha pa nitong masalubong n~ga nilang kasarilihan ni Elsa sa dilim n~g gabi si Tirso, na ang m~ga lakad n~g makatang ito ay talagang malayo na ang nararating na kung pakahahabulin pa nila'y dili ang hindi mangyari ang sila'y uyamuyamin at n~gisihan na lamang.
Sipi sa lumabas noong buháy pa ang dakilang Makatang may akda, na linimbag sa "Imprenta de Ramirez y Giraudier" noong 1861, at linagyan ng Paunang Salita at ng mga Paliwanag ni Kaparis na kaparis ng ipinamana ng Makata sa kanyang mga anak, na sariwang nakikintal sa kanilang isip magpahangga ngayon Pinagdaanang Buhay ni FLORANTE at ni LAURA sa Cahariang Albania
At sa ginawang paguulat n~g ale ni Elsa tungkol sa naging sanhi n~g pagkaratay sa pagamutan ni Tirso, ay napaguwiuwi n~g makatang ito na ang pagkakabalita n~g naturang mestisa ay talagang napakasal na sila nang gabing sinundan. Hindi siya kumibo. Siyang pagakabukas n~g pinto n~g silid. At isang nurse na humihin~gal ang biglang humarap sa kanilang tatlo.
At maliksing umalis oras na maisakamay ni Tirso ang isang liham na nasa munting sobre, saka ang buslong yaon n~g bulaklak na pinagkaguluhan n~g m~ga katoto n~g naturang makata. ¡Makatang mapalad! ang bulalas n~g lahat, pagkamalas sa gayong handog na kapagkaraka'y sinapantaha nang padala n~g magandang si Teang.
Subali, ang totoo, sa harap n~g makatang magiliw ring naganyaya sa kanya hanggang sa silid na sulatan niyon, ay natutubigan siya mandi't hindi matutuhan kung ano't kung alin ang sasandatahin niya sa gayong balak. Sa hindi niya pagimik na parang nawawalan, ay si Tirso ang nagsalita. Matagaltagal nang hindi mo ako binabalitaan n~g tungkol sa iyong kababayan ... ang wika.
Hangga't hindi niya nakukuhang masarili ang paghahari sa puso't kalooban n~g makatang kinahihiban~gang labis n~g kanyang boong pagkababae, at hangga't nagugunita niyang may isang "mulalang taga lalawigan", na kinabubulagan n~g m~ga panin~gi't "tila" nagkakapan~galan sa pitak n~g dibdib n~g nabanggit na makata, sa pakiramdam n~g mestisa ay palusong na yata sa libin~gan ang tun~go n~g kanyang kabuhayang di pa gaanong nagnanawnaw n~g ligaya sa pakikihalubilo sa daigdigang ito.
Nang ang makatang yao'y anyong nagbibin~gibin~gihan sa m~ga silakbo n~g kanyang naglalatang na damdamin, marahil ang m~ga katagang iyan at hindi iba ang pinananabikan niyang marinig.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap