Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Setyembre 6, 2025


Datapwa, sa katotohanan, ang bagay na iyan ay tinitingnan ni Tirso n~g alinsunod sa kanyang kabaligtaran. Alalaong baga: iyang kakutyaang ipinalalagay n~g tanang may laos na ugali, ay siyang sa ganang sa makatang sinabi'y karan~galang nararapat ipagmalaki. Ang pagpipitagan tuwina sa talosaling na kalagayan n~g babae ay isang kapurihang banal n~g m~ga lalaki.

Kaikailan man sa malimit na pagtitiwala niya n~g kanyang pagkadalaga sa pagkalalaki ni Tirso, ay noon lamang siya totohanang sinidlan n~g takot sa makatang ito.

Elsa, ang sa malambing na tinig ay itinawag sa kanya n~g makatang kasalo, tawag na siyang gumambala sa kanyang pagmumunimuni. ¿Nahuhulaan mo kaya ang sukat isaloob n~g m~ga taong nakamamalas sa ganito nating anyo?... At ang tanong na iyo'y lalo pang nagparamdam n~g kasiglahan n~g pagasa sa m~ga lamad n~g puso n~g dalaga at siyang nagpapula n~g kanyang mukha sa sandaling iyon.

Sinasabi n~g kalatas na yaong ang sigwa ay kay Tirso nagbuhat, ¿nababagay n~ga kayang ang makatang ito ang sumaklolo't sumagip kay Elsa? Sa laran~gan n~g pagibig, kung may nakikilalang hiwaga ang puso n~g tao, ang hiwagang umaakibat sa kapalaran n~g makatang si Tirso ay isa nang hindi karaniwan halos masasabing walang kapan~galawa sa tanang nangyayari, at kung sakali't mayroon ay bihirangbihira.

Nagaagawan sa kanyang panimdim ang pagibig at pan~gamba. Iniibig niya si Tirso; n~guni't sa dahilang di niya hinihintay na magkakaroon n~g gayong pagtuturing ang makatang ito sa gabing iyon n~g kanilang paglalamay, ay nan~gan~gamba naman siyang baka iyo'y kung ano nang babala n~g kanyang kapariwaraan.

Salita Ng Araw

nalunod

Ang iba ay Naghahanap