United States or British Indian Ocean Territory ? Vote for the TOP Country of the Week !


Isinagót ni don Juan cun yaón bagá po lamang, cahit aquing icamatay susundin cong malumanay. Ay ano'i, nang magabi na á las nueve ang oras na, dumating na capagdaca itong si doña María. Itinanong cay don Juan ang utos nang haring mahal, sumagot nang mahinusay at ganitó ang tinuran. Ang utos bagá sa aquin nang haring amá mong guilio, sa dagat ay aquing cunin ang diamante niyang singsing.

Ang frasco'i, ibinigay na cay don Juan nang monarca, at sa palacio'i, nanhic na saca tambing nagpahinga. Ay ano'i, nang magabi na oras nang Ave María, dumating na capagdaca ang mariquit na princesa. Tinanong na si don Juan ni doña Maríang hirang, na cun anóng cautusán nang haring caniyang magulang.

Ay ano'i, nang matapos na yaón utos sa caniya, si don Juan ay nalis na sa bahay nuí pagdaca. Niyong magabi na naman nanaog na capagcuan, ang princesang matimtiman pinaroonan si don Juan. Tinanong na capagdaca na cun anong utós bagá anang príncipe at badyá ganito ay maquinig ca. Ang castillong nalalagay sampó nang batería naman búcas huag nang maguisnan nang haring iyong magulang.

Caya lacad na don Juan at bucas ca na pariyan iyong mamansohin lamang cabayo cong minamahal. Umoui nanga sa bahay ang príncipeng si don Juan, pinag-isip niyang tunay cabayong patuturuan. Ay ano'i, nang magabi na higuit sa Ave María, ay dumating capagdaca itong butihing princesa. Itinanong cay don Juan na cun anong cautusán, ganito'i, iyong paquingán nitong sa aquing tuturan.

Ang uica nang secretario sampóng manga consejero, ano baga't, naparito ang príncipeng locó-locó. At hindi na nahinayang sa iningat niyang búhay, uala ngang pagsalang tunay na di siya mamamatáy, Anó'i, nang magabi na oras ay á las seis na, itong si doña María ay guló ang ala-ala. Caniyang pinag-lalangán hari at consejong tanan, pinatulog na mahusay isa man ay ualang malay.

Ay ano'i, nang magabi na naparoón ang princesa, at pinagsabihan niya si don Juang casi't, sintá. Búcas ay ualang pagsala tantong ipatatauag ca, magtulóy nang pumanhic ca sa hari'i, maquipagquita. Siya ay iyong daratnán sa catre niyang hihigán. malaqui ang capagalan masasaquít ang catauan. Nang ito ay masabi na ay umalis ang princesa, sa cuarto'i, nagtuloy siyá at nang macapagpahingá.

Ay ano'i, nang magabi na ora'i, á las ocho bagá, siya nangang pagdating na nitong si doña María. Tinauag na si don Juan at saca tinanong naman, na cun anong cautusán nang haring aquing magulang. Sinaysay rin namang tunay nang príncipeng si don Juan. ang lahat nang cautusán nang haring Salermong mahal. At sampong pagbibigay pa niyong mazo at barreta, manga pico at cuchara sa pag-gauá ay talagá.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap