United States or French Guiana ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang catulad at capara nitong si doña María, lumabás sa, isang guerra at nanalong nagvictoria. Ito'i, aquing pabayaan victoria niyang quinamtán, at aquing ipagsasaysay ang canilang paglalacbay. Nang sila'i, dumating naman sa reinong de los Cristal, uala nanga at namatáy ama't, capatid na hirang. Ang dinatnan sa palacio secretario't, consejero, siya ngang pagdating dito nang emperador na bago.

Ay ano'i, nang maguising na itong daquilang monarca, ay nagtuloy sa lamesa ang tinapay ay naquita. Nang damputin ang tinapay ay napaso pa ang camáy, at bagong hinango lamang sa hornong pinaglutuan. Nanguilalás nanga rito ang hari 't, consejero, marunong yatang totoo itong bagong naparito. Cun caniyang nagaua man ang hiniling cong tinapay, sa iba cong cautusán ay siya nga'i, mamamatáy.

Ang uica nang secretario sampóng manga consejero, ano baga't, naparito ang príncipeng locó-locó. At hindi na nahinayang sa iningat niyang búhay, uala ngang pagsalang tunay na di siya mamamatáy, Anó'i, nang magabi na oras ay á las seis na, itong si doña María ay guló ang ala-ala. Caniyang pinag-lalangán hari at consejong tanan, pinatulog na mahusay isa man ay ualang malay.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap