United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !


At nangusap cay don Juan quita'i, panganib sa daan sa di pagsunód mong tunay sa lahat cong cautusán. Di ang bilin co sa iyo cunin mo ang icapitó, ay baquit ang icaualó ngayo'i, siyang quinuha mo. Di anong magagaua pa siya'i, siyang nariyan na, sumacay na ang dalauá at umalis capagdaca. Nang silá ay mapalual sa labas nang caharian, agad silang namalayan nang haring Salermong mahal.

Ay naisip capagdaca nang haring caniyang amá, na cayó ay ipadalá sa reinong Inglaterra. Si doña María naman gumaua rin nang paraan, at nang cayo'i, macatanan sa reinong de los Cristal. Niyong cayo'i, aabutan nang hari niyang magulang, ay caniyang hinadlangan nang matinic na cauayan. At bago nga nacaraán ang haring Salermong mahal, ay tatlóng leguas ang lagay niyong inyong calayuan.

Ay ano'i, nang magabi na ora'i, á las ocho bagá, siya nangang pagdating na nitong si doña María. Tinauag na si don Juan at saca tinanong naman, na cun anong cautusán nang haring aquing magulang. Sinaysay rin namang tunay nang príncipeng si don Juan. ang lahat nang cautusán nang haring Salermong mahal. At sampong pagbibigay pa niyong mazo at barreta, manga pico at cuchara sa pag-gauá ay talagá.

Ay ano'i, nang maguising na ang haring Salermo bagá, sa lamesa ay naquita ang frasco'i, naroon na. Quinuha na at tiningnan ang caniyang calaruan, hustong hindi nagcuculang ang negritong pinaualán. Hindi na cumibó siya pinaram sa ala-ala, mayroon pa acong ibang iúutos sa caniya. Anó'i, nang quinabucasan ipinataúag si don Juan, naparoo't, di sumuay sa haring Salermong mahal.

Yaong tatlong princesa sa haring Salermong bunga, si doña María Blanca, ang matandá sa dalaua. Sunód si doña Isabel parang maningning na garing, si doña Juana'i, gayon din ang tala'i, siyang cahambing. Hayo lacad na don Juan sa reino nang de los Cristal, ipagcacapuri mo naman sa haring iyong magulang. Nang ito ay maringig na nitóng príncipeng masiglá. naualá sa loob niya ang princesa Leonora.

Bala niyang ipag-uica aminin mo namang paua, hindi icao ang gagauá at aco'i, siyang bahala. Paalam aco don Juan quita muna'i, malilisan. at mamayang gabi naman saca quita babalican. Umalis na capagdaca yaon ngang tatlóng princesa, ay siyang pagcaguising na nang haring canilang ama. Nang maquita si don Juan nang haring Salermong mahal tinanong na capagcuan cun anó ang sadyá't, pacay.