United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !


Yaong kapalaran kung sila'y dalawin ay di mamalagi at umaalis din parang sinasabik sa sandaling aliw at kung magdalita nama'y sapinsapin. Anopa't ang lahat nang sa Mundong silo sa maginang yao'y walang nabibigo ginagawa nilang aliwan nang puso yaong walang awang hirap kung bumugso.

Kay samasamang pakinggan: pinagtaksilan ng asawa kaawaawa! At, sa pagdidilim na iyon at pagsisilakbo ng dugo ng kulangpalad na si Daniel, ang munting siwang ng pintuan ng silid na kinaruruonan ni Leonora at ng kasuyuan ay kanyang sinilag at sa pagkakita niyang yaon sa anyo ng dalawa, ay waring ang langit ay bumagsak. Kay samasama ng kanyang kapalaran!...

At magandang pala, irog na kapatid kung pahahatdan kang babalá n~g Lan~git at bigyang panahon na makapaglinis upanding magtamo n~g bayang tahimik. Ihahangang dito't ako ma'y hindí pa talastas ang dako n~g maguiguing hanga kung may kapalaran sa pag-aasawa ó hangang tumanda sa pagka dalaga. Ang pagsagót sa sulat ni Constancio.

At yaong may kaluluwang hindi nagtitikim n~g biyaya n~g maligayang kapalaran, ay nagsisipan~garap na sa m~ga araw na iyan ay mabibihis ang kanilang kasawian, mapapaltan n~g tuwa ang kanilang m~ga paghihirap at sa duyan n~g luwalhati'y sandali silang aawit n~g kasiyaha't mahahalinhan n~g kabusugan ang binabata nilang uhaw....

¿Ibig ninyong matutuhan ang lihim na kayo'y kagiliwan n~g sino mang tao at kumita ng kapalaran o kayamanan sa inyong hanap buhay na taglay? Basahin ninyo ang AKLAT NA GINTO ni Honorio Lopez, tiglilimang piso ang halaga at naririto ang lahat n~g lihim ó sekretong karunun~gan dito sa mundo.

Kaya, ang lahat ay waring nagkakaisa sa idunudulot na kabutihang panahon nang gabing yaon. Ang langit ay maaliwalas at wala ni badhang ulap na masisinag. Waring ibinabalita sa ilalim ng langit na ito ang isang babala ng magandang kapalaran.

Pawang mga masasaklap lamang na pangarapin ang kanyang naging kapalaran. Wala na ang dating mga pagngiti sa kanya ni Leoning. Naglaho ng lahat! Madalas ngayon, ang kanyang katawan ay nalulungkot, waring lagi ng matamlay at paminsanminsang nagbubuntunghininga na lamang. Maminsanminsan ay masabi sa sariling: ¡Ay! Leoning! dahil sa iyo, dahil sa sumpa mong nilimot sa aba ko, ay wala na ang lahat.

Waring nagbabalita kay Eduardo ng magandang kapalaran ng buhay na puno ng pagasa. Waring ibinubulong sa kanya ang kaligayahan ng puso. Waring naririnig niya ang mga awit ng pusong mapapalad na nagduduyang sa bisig ng magandang kalikasang puno ng pangarap.

Paglimot ang tanging lunas ng isang damdaming pinagpupuyusan ng hinanakit. Limutin ng isang pusong sinawi ng kapalaran sa pagibig ang kanyang kinamtang palad. Iyan nga lamang ang mabisang lunas: limutin niya ang lahat. Kaya sa pagiisa ni Eduardo ay walang nagawa kundi ang pahayagang kanyang kinabasahan ng ukol sa pagiisang dibdib ni Leoning at ni Daniel ay tila halos kuyumusin.

Hanggang sa pagdating na ni Eduardo ng sariling tahanan na hindi malimutan ang kanyang tinamong pagkabigo, na, kanyang inaasahang sa gabing yaon ay magkakatagpong walang sala sila ni Leoning. Kay pait na kapalaran naman para sa kanya ng gayon!

Salita Ng Araw

isaisang

Ang iba ay Naghahanap