United States or Martinique ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sumaloob na niya ang siya ay pinagtataksilan. At, boong lakas loob din siyang pumasok ng pintuan. Sa kanyang kalooban ay walang ano mang dumalaw na pagaalinlangan na, sakaling siya makita ng ibang tao roon at tanungin ng ibig, ay sasagot siya ng kahit na papaano. At, salamat na lamang, ang tahanang yaon ay walang naroon kundi ang kulangpalad na si Eduardo na siyang dinadalaw ni Leonora.

Datapwa't nang araw na iyon ay malabis ang kanyang pagtataka sa kilos na ipinakita sa kanya ni Leoning. Ang asawang si Leonora ay bihis ng magara at naglagay ng lalong mababangong "perfume" na taglay sa katawang mapangakit. Kaya sa pagkapansing yaon ng kulangpalad na asawang si Daniel, ay waring natawagang lubos ang kanyang kalooban sa mga kilos na nakita sa asawang si Leonora.

Ayoko na sa iyo, at kung makakita, ka ng ibang palad ay doon ka naman pupunta, ayoko ng babaing tulad mo! Kulangpalad na Leonora! Wala ng sumaklolo sa kanyang mga paghikbi. Waring sinasabi na lamang ng lahat sa kanya na: Hoy! Leonora, babaeng sukab dalawin mo ang libingan ng iyong asawa at doon mo hugasan ang kapurihan mong nagawa at pagsisihan mo ang lahat ng kasalanan.

Kay samasamang pakinggan: pinagtaksilan ng asawa kaawaawa! At, sa pagdidilim na iyon at pagsisilakbo ng dugo ng kulangpalad na si Daniel, ang munting siwang ng pintuan ng silid na kinaruruonan ni Leonora at ng kasuyuan ay kanyang sinilag at sa pagkakita niyang yaon sa anyo ng dalawa, ay waring ang langit ay bumagsak. Kay samasama ng kanyang kapalaran!...

At, mabuti na lamang at hindi nabatid ng lahat ang lihim. Natapos nga ang lahat at ang kulangpalad ay nalibing na hindi nagkaroon ng kung anoano pang maraming usapan at mga iba't ibang palagay.

Hindi, hindi Eduardo, sa puso ko ay di ka nalilimot, laging sariwa sa kaibuturan ng aking puso ang ngalan mo. Nguni't ako ay kulangpalad at sa kandungan mo ay di doon makapagpasasa ng kaligayahan ng puso gayon ang aking buhay na kagaya nang napapangarap ko noong una . Ay! Eduardo, sa aba ko ay talagang hindi mo nga ako palad at ikaw naman sa akin ay gayon din.

Nang makapisan ng mariwasa ay nagbago; naging isang babaing lumimot ng kanyang kahapong lipos ng dilim sa buhay! Oh! babae, magbago ka sana at kundi dahil sa iyo ay hindi masasawi ang isang lalaking kulangpalad na iyong pinaglaruan. Dahil sa iyo ay nasawi ang isang Daniel at ngayon ay sumahukay na ikaw ang naging sanhi.

Datapwa't siya ay isang kulangpalad sapagka't ang asawang akala niya ay mabait at matapat ay di man lamang gumagawa ng ano mang paglililo gayon ang mga ginawang yaon ni Leoning ay isang bagay na kay samasama kung malaman ng mga kapisanan. Walang kamalaymalay ang kanyang sarili.

Salita Ng Araw

maglalasing

Ang iba ay Naghahanap