United States or Greece ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi na malulwatan at gaganapin sa malaking simbahang S ... dito sa Maynila ang pagiisang dibdib ng dalawang mapalad na malaon ng nanabik at nangangarap sa kandungan ng pagibig. Ang pagiisahing palad nilang ito ay malaon nang binabalak nguni't ngayon lamang sa mga hinaharap na araw isasagawa.
Lumuluha ang isang Eduardo dahil sa sumpang nilimot ni Leoning. Mga pusong nagsisitangis. Ang una ay hindi lubos na paniwalaan ni Eduardo ang mga balitang kumakalat sa mga lalong matataas na lipunan sa Maynila, ang nauukol sa lalong madaling panahon na pagiisang palad ni Leonora at ni Daniel Perez.
Paglimot ang tanging lunas ng isang damdaming pinagpupuyusan ng hinanakit. Limutin ng isang pusong sinawi ng kapalaran sa pagibig ang kanyang kinamtang palad. Iyan nga lamang ang mabisang lunas: limutin niya ang lahat. Kaya sa pagiisa ni Eduardo ay walang nagawa kundi ang pahayagang kanyang kinabasahan ng ukol sa pagiisang dibdib ni Leoning at ni Daniel ay tila halos kuyumusin.