United States or Pakistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bagkus lalong naaalaala niya at sa kaibuturan ng kanyang puso ay tila nakatitik ng ginto ang ngalang Leoning na hindi niya malimutlimutan. Datapwa't wala ring mangyayari, hanggang sa limutin nga lamang, ang sa wakas ay mabuting magawang paraan. Oo, limutin na lamang sapagka't hindi na niya maaaring ibigin si Leoning, dahilang ang kanyang pakikipagisang puso ay di na malalaon at isasagawa na.
Hindi na malulwatan at gaganapin sa malaking simbahang S ... dito sa Maynila ang pagiisang dibdib ng dalawang mapalad na malaon ng nanabik at nangangarap sa kandungan ng pagibig. Ang pagiisahing palad nilang ito ay malaon nang binabalak nguni't ngayon lamang sa mga hinaharap na araw isasagawa.
Dumating ang mapan~ganib na sandali at gumiyaguis na nag-ulol sa akin ang hibo ni Satanas, at inakala ko nang ganapin ang maru~gis na isinabudhi, datapwa't nang isasagawa ko na, ay di naman nagkaroon n~g bahagya man lamang na pagsalansang ang aking anak, pagkapalibhasa'y di natatahong iyao'y sawi sa m~ga kautusan.