Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 15, 2025
Ang Templo n~g masayáng diosa Terpsícore , nang m~ga sandalîng yaón ay maitútulad sa isáng Hardín n~g Kaligayahan: doón at dito'y walâng námamalas ang tin~gín kundî ang m~ga bagong Eba, ang m~ga bagong Adán, doón at dito'y nagsabog ang m~ga bulaklák, nagsalisalimbayan ang m~ga paroparó.
Ang mga panooring makabago sa kanyang pangmalas ay para bang madali niyang pinagsasawaan. Ang mailaw na siudad ng Maynila ay di niya maituring na kaligayahan ng puso. Pumapasok ngayon siya sa paaralan ng mga may kasanayan sa pagbuborda. Twing umaga ay inihahatid siya ng auto ni mang Alejandro sa kanyang pinapasukan na nakatayo sa daang Heneral Solano, sa San Miguel.
Sa ibabaw ng mesa ay nakita niya ang liham ng sukab at kanyang binasa na ganito ang mga natititik: PEPE: Yamang ang tibukin ng puso natin ay di rin lamang magkaisa ay ngayo'y ninais ko na ang tayo ay magkahiwalay at ako ay asahan mong sa mga sandaling ito ay nasa iba ng kandungan: doon sa makapagdudulot ng kaligayahan ng aking puso. Paalam, CARMEN.
Niluko mo at pinagsukaban ang isang kaisang palad sapagka't siya ay isang matanda na na hindi makapagdulot sa iyong puso ng kaaliwan ng paris ng isang pusong kabataan at kasariwaan, na matapos mong malaman ang lahat ng ito ay naging salawahan ang puso mo at laging pangarap mo ay ang kaligayahan upang makapagtalik at makapagsayaw ang iyong sarili sa gintong liwanag ng kapanahunang hindi mo nalalaman ang pait na bunga.
Bagkus kinikilala pa niyang nasa matuwid at mabuti ang pagunita ni Tirsong masarap ang mamalaging mahabahaba pang panahon sa pagkadalaga. Ang dalaga ay bulaklak na masamyo at sariwa na laging katalamitam n~g layaw at kaligayahan. N~guni't kapag nagasawa, na, ibigin ma't hindi ay pinapanawan na n~g ban~go, kinukupasan n~g kulay at nalalanta sa tin~gin n~g balana.
Hindi lamang tinanká anáng bagong-taong kausap kundi sa m~ga sandaling ito'y nilalasap na marahil n~g matandáng mayaman sa kandun~gan n~g aking giliw, ang tamís n~g kaligayahan. ¡Oh, kay hirap n~g mahirap!
Nais ko nga ang laging kaligayahan ng puso mo nguni't baka pagkatapos ay lumimot ka sa sumpa. Kamatayan ko nga Leoning ko na baka ikaw ang lumimot. Ako man Eduardo, na tulad ko marahil ay isang bulaklak na lagas kung iyong limutin. At, kung lumimot ka, dahil sa sumpa mong nilimot, ako ay mamamatay.
Wala na, oo wala na at natulad na lamang sa araw na nilamon ng ulap. Ang kanyang pagasa ay naglaho rin, kinain ng laho, sinakmal ng dilim. Ay! Eduardo! Tapos ng lahat ang kaligayahan ng iyong puso. Wala na si Leoning at hinding hindi mo na makakaulayaw.
Waring nagbabalita kay Eduardo ng magandang kapalaran ng buhay na puno ng pagasa. Waring ibinubulong sa kanya ang kaligayahan ng puso. Waring naririnig niya ang mga awit ng pusong mapapalad na nagduduyang sa bisig ng magandang kalikasang puno ng pangarap.
Pusong babaing nang makayapak sa tuntungan ng matataas na lipunan ay nalimot ang dating kaugalian. Nagkaroon ng pusong walang iisang itinitibok: salawahan. Pusong laging nauuhaw sa kaligayahan at pusong hindi na nakakaramdam ng dating sakit at hirap na kanyang katutubo nang mga nakaraan.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap