Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !

Na-update: Mayo 3, 2025


Kaginsaginsa'y itinanong: ¿Hindi ba iyan ang masong animo'y kasintahan ni Teang noong araw? ¡Tia ... saka idinukmo ang mukha sa kandun~gan n~g ale, at sa muling pagan~gat ay idinugtong: ¿Di ba kayo namumuhi sa akin? ¿Bakit ako namumuhi? malumanay na ipinakli n~g matanda na ang isipa'y nagduduklayduklay sa balabalaki n~g kabataan.

Tirso ... boong lumbay na ipinakli n~g mestisa, ¿diyata ba't isa ka pa sa magpapainom n~g lason sa akin sa tulong n~g matatamis na bulaklak n~g dila? ... At parang di alumanang sa palibid nila'y hindi kakaunting tao ang nagmamasid at nakikimatyag; ay isinusog pa sa nan~gan~gatal na, tinig: Tapatin mo ako, Tirso: ¿hindi na ba ikaw ang Tirsong sinanglaan ko n~g lalong mahalagang hiyas n~g aking puri at nagdulot sa puso ko n~g pagasang balang araw ay sasayurin ko ang walang hanggang ... kaluwalhatian?

Isang sakunang hindi kinukusa n~g sinoman, madaling ipinakli n~g manggagamot. Ang lahat n~g paliwanaga'y ginanap na lamang sa pahapyaw na ulat n~g manggagamot na sinabi, at pagkatapos na ibigay ang ilang tala na nahihinggil sa ambulanciang nakasagasa, ay ipinahayag sa pulis: Hayan ang kutsero: siya ninyong kausapin. Kami ay di makapagtatagal pa.

Dili ang hindi natulo ang luha ni Dioni, pagkarinig n~g m~ga pahayag n~g kanyang minamahal na hipag. ¿Ayaw mo bang si Tirso ang maging kapalaran ko? itinanong mayamaya n~g mestisa. Hindi sa ayaw, kundi. ¡sa di oras ay nagkalayo tayo! ang lipos kapanglawang ipinakli n~g hipag. Dinaramdam ko, Dioni, n~guni't ... kung dumarating nang ganito ang sukat n~g tao ay sadya palang hindi maiiwasan.

¿Hulaan ko? ang sa di kawasa'y ipinakli n~g mestisa, Ang aking hula ay iniisip nilang sila'y nakakikita n~g isang lalaki at isang babae na nagsasalo sa mesitang itong ating pinaghaharapan.... ¡Mabuting panghuhula! N~guni't hindi iyan ang ibig kong marinig sa iyo.... ¿At alin pa?

Salita Ng Araw

gagcacapisan

Ang iba ay Naghahanap