United States or Caribbean Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang madla ay nagsiuwi; at bago nagkahiwalay si Mauro at si Serafina, ay maraming pagod muna ang ginugol n~g m~ga bantay; sapagka't si Serafina ay halos ayaw nang humiwalay sa kanyang asawa na noón ay isasakay uli sa "ambulanciang" naghihintay. ¡Katitiís ka, asawa ko...! ang habol pa ni Mauro kay Serafina nang sumasakáy na sa "ambulancia." ¡Mauro! ¡Mauro! ang sigaw naman n~g kaawaawang babai.

Isang sakunang hindi kinukusa n~g sinoman, madaling ipinakli n~g manggagamot. Ang lahat n~g paliwanaga'y ginanap na lamang sa pahapyaw na ulat n~g manggagamot na sinabi, at pagkatapos na ibigay ang ilang tala na nahihinggil sa ambulanciang nakasagasa, ay ipinahayag sa pulis: Hayan ang kutsero: siya ninyong kausapin. Kami ay di makapagtatagal pa.

¿Diyata n~ga kaya't yaon na ang babaeng walang malaytaong nakapiling ni Tirso sa loob n~g ambulanciang nakasagasa n~g kalesa?... Isang iglap na lamang at mapagkikilala kung siya ay sino.... Natatakot, sumisigaw, tumatan~gis....

Pagdaka'y nakita na lamang daw n~g pulis na susuraysuray na sumasalubong at napasasaklolo sa kanya, n~guni't pagkalapit ay bigla na lamang napahandusay. Nang aking siyasati'y may ilang bugbog sa katawan, na mahihinuhang gawa n~g pagkakahulog mula sa alinmang mataas na lugal. Ang aming ambulanciang ikinuha sa kanya ay nakasagasa naman sa raan n~g isang kalesa.

Salita Ng Araw

kumilos

Ang iba ay Naghahanap