Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!

Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!

Na-update: Hulyo 11, 2026


Naroong magpabalikbalik sila sa pabilog at pasalasalabat na m~ga landas, magtigil at magmasidmasid sandali sa harap n~g hugis pisóng bantayog ni Rizal, saka mauupo sa alinmang likmuang mawalan n~g tao.

¡Napilya na naman tayo ni Elsa! ang malakas na wika n~g isang nanun~gaw pa sa bintana pagkabalatong n~g pagsasayaw. Sapul pa kanina'y pawang sa ganyang tugtog sa patay tinatapos ang alinmang tandang ating sayawan. At malinaw nang nawatasan ni Tirso ang tinig n~g maganda niyang paraluman. Kayo ay hindi ko pinipilya, ang sabi.

Sa mungkahi ni Martinez, ay minarapat n~g dalawang makikisig na binatang kabilang sa, hanay n~g m~ga nabibighani n~g dilag ni Elsa n~guni't di nagtatamong pala, na magtuloy sa isang bar sa Santa Cruz upang kung mangyayari'y lunurin ang malaking pagkabigong kanilang kinamtan sa loob n~g ilang kopita n~g alinmang inuming pumapaso sa lalamuna't dumadarang sa diwa.

¡Walang iba kundi ang mestisang kaluluwa at buhay n~g m~ga sayawan dito't n~g alinmang malalaking piging at pagtatao! ¡Ah! ¿Ang mestisang nakita kong minsan sa lamayan n~g "Aklatang Bayan"? ¡ Balu ku na ketang misterio ! Subali't ang m~ga patilanduya'y hindi humangga sa pagkabatid na si Elsa Balboa ang nagukol n~g magandang handog na iyon kay Tirso Silveira.

Salita Ng Araw

nagyacap

Ang iba ay Naghahanap