Isang buntóng hinin~gang malalim n~g binata ang pumadlang sa pagsasalaysay at isang nakatanang luha ang namalisbis sa kaniyang pisn~gi, at ang mukha niyang aliwalas at laging malumanay ay dinalaw n~g isang kaban~gisan. Napatitig sandali sa lan~git, n~guni't ang titig na iyon ay isang pagsisi mandin doon sa na sasa kataasan na siyang inaakalang nakakapamahala sa kalupaan.

N~guni't sa n~gayo'y isa namang paham na hapon, na tumutugon sa n~galang Tuse-kari, ay siyang naglathala n~g isang kaparaanan ó nagpapatibay n~g karunun~gan napuputi sa kalihiman n~g pagiisip, upang magamit ito sa bawa't ibigin ukol sa gawang mabuti, lalô na sa ikagiginhawa.

Mabuti po iyan, guinoó, cung na sa casalucuyang nakikipagbaka ang pamahalaan sa lupaíng ito, n~guni't sa icagagaling n~g pamahalaa'y hindi dapat nating ipahalata sa bayang siya'y nasasalun~gat sa may capangyarihan.

Paris n~gayon: ¡hindi ko maalaman kung saan na nakarating ang kuyang mo sa kahahanap!... Kapapanaog pa lamang niya. ¿Nanggaling na rito? Oo.... ¿Ano ang sabi sa iyo? Wala naman. Nakabuti ang pagkakataong narito si manang Magda nang siya'y dumating. N~guni't gayon ma'y lihim ding naihagis sa akin ang isang nanglilisik na tin~ging kamuntik nang tumupok sa akin....

N~guni't ang lalong nacapagpapaalab n~g m~ga bulong-bulun~ga'y ang canilang namamasdang mahiguít sa dalawáng ilaw sa convento cung gabí, samantalang si párì Salví'y dumadalaw sa isang bahay n~g mámamayan ... ¡sa báhay ni María Clara! ¡Nan~gagcucruz ang m~ga mápagbanal, n~guni't ipinatutuloy nila ang pagbubulong-bulun~gan.

At hibáng na tinun~go ang ilang m~ga sandatang típon, n~guni't bahagyâ pa lamang nacahugot n~g dalawáng sundang ay cusang binitiwan, at tiningnang wari'y sirâ ang isip si Ibarra, na nananatiling hindi cumikilos. ¡Aba! ¿anó ang aking gagawin? ang ibinulóng, at saca tumacas at iniwan ang bahay na iyón.

Sa pagka't ang inang walang pagmamahal sa tunay na supling na sa puso'y nukal, daig pa ang hayop, na lubhang malupit, marun~gis ang asal n~guni't kung sa anák ay handog ang buhay. At makalilibong masarap sa malas ang isang dalagang sa tangkay nagulap di gaya n~g isáng babaing magtapon sa ilog n~g anak bukod sa may dun~gis, sumpaan n~g lahat ...

Si donya Basilia nama'y nagkibit lamang n~g balikat sa halip na tumugon. Hinihintayhintay niyang ang pamangking mestisa ang magpakilala kay manang Magda. N~guni't ang lahat ay parang gumagalang sa kahimbin~gang kinapapalautan n~g makatang nararatay. At halos walang ibig na magbuka n~g bibig.

Nunulí na naman ang aking paghibik sa m~ga yapak mo, Poon n~g pag-ibig, na sa karain~ga'y huag ipagkait ang lunas na awa sa may dusang dibdib. N~guni't kung hindí mo naman maaatim ang lun~goy n~g puso't bawal n~g pag-amin ay wala nang buhay na dapat ituring at parang himbing na sa hantun~gang libing.

Nang unang bugso, ay suma~gui sa aking loob ang isang malaking alinlan~gan; n~guni't dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki na ako'y magtuloy. Pagdating namin sa loob n~g halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang papag-papagan ang isang binibining nápakahinhín ang anyo, na marahil ay siyang pinan~galin~gan n~g mapanglaw na pag-aawit na aking kináhan~gâan.