United States or Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pagkawika nito'y namasdan ni Tirsong umanod sa pisn~gi n~g mestisa ang ilang patak n~g luhang nagpapahayag n~g malaking paghihinagpis. ¡Kaunaunahang patak n~g luhang nasaksihan niyang namalisbis sa mukhang iyong puspos n~g sanghaya! Nan~gilabot si Tirso. Elsa, inuulit ko sa iyong iniibig kita n~g isang pagibig na walang katapusan....
Isang buntóng hinin~gang malalim n~g binata ang pumadlang sa pagsasalaysay at isang nakatanang luha ang namalisbis sa kaniyang pisn~gi, at ang mukha niyang aliwalas at laging malumanay ay dinalaw n~g isang kaban~gisan. Napatitig sandali sa lan~git, n~guni't ang titig na iyon ay isang pagsisi mandin doon sa na sasa kataasan na siyang inaakalang nakakapamahala sa kalupaan.
"Ipagtapat ko ó huag" ang di niya malutas, na palaisipan sa kaniyang m~ga pagbabaka at namalisbis na naman ang luha sa kaniyang m~ga mata at nagiyakan na lamang ang magkapatid. ¡Kay pait lunukin n~g m~ga kapighatiang ito! nagparaan n~g m~ga ilang simbuyo n~g kahirapan ang dalawa at muli na namang nag-usap. Bakit lamang?
Salita Ng Araw