United States or Democratic Republic of the Congo ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ang arao na ito bagong nagcacalat nang tanglao sa mundo nang masayang sinag iniaalay co nang boong pagliyag sa iyo, daraquilang Poong sacdal taas. Maamo mong mata ay iyong itunghay sa baua,t, sandali sa aba cong lagay, at iyang camay mong macapangyarihan ay iligtas aco sa capanganiban.

Sa bayan n~g Vigan daraquilang ciudad Fernandinang sacdál sagana sa galác sa buong Iloco na ualang catulad doon naguing tauo si Burgos na hayág. Taóng isang libo ualong daang tunay apat na puo't dalua siyang cabilan~gan nang siya'y ianác nang ináng hinirang may tacot sa Dios, mabuting magmahal.

Ang uica nitong monarca cay don Pedro'i, pacasál na, at hindi naman sa ibá at tunay ring anác quita. Sapagca't, uala cang daan cay don Jua'i, mapacasál, matigas ang carunungan ni doña Maríang mahal. Ang sagót ni Leonora ó daraquilang monarca, icao po ang bahala na gauin ang balang magandá. Nang maringig yaon bagá nang haring caniyang amá, sumanguning muli siya sa arzobispo ngang sadyá.

Bucód dito ang isá pa ó daraquilang monarca, nang siya'i, pagliluhan na capatid niyang dalauá. Nang caniyang pagbalicán ang singsing cong minamahal, siya'i, agád tinalian magcapatid na sucaban. Nang mayroong sampóng dipá ang lubid na nahulog na, ay tinagpás nang espada ni don Pedrong palamara. Nang maquita co ang lagay nang príncipeng si don Juan, acó tantong daramay sa quinahulugang hucay.

Sagót ni don Jua't, tugón ó hari cong panginoon, icao po ay biguian ngayon Dios nang magandang hapon. Ang sagót nang haring mahal salamat na ualang hangan, sabihin mo't, iyong turan ang sadyá mo't, pinag-lacbay. Ani don Juan at badyá ó daraquilang monarca, ang sadyá co pong talagá hinguil sa pangangasaua.

Binucsán na niyang tambing yaong silíd niyang lihim, lumapit nanga sa siping ni don Juang sinta't, guilio. Umupo na capagcuan doon sa sinapupunan, nauala sa gunam-gunam princesa niyang iniuan. Ang uica ni Leonora ó daraquilang monarca, dinguin nang iyong alteza ang aquing munting querella. Pagca't, ngayo'i, narito na ang sa aquin ay cumuha, tapós na po ang panata na hiningi co nang una.

Sa iyo ang carampatan si don Juan ay ipacasál. sapagca't, iyong binuhay sa balóng quinahulugan. Sa hatol bagang nasambit sinong macapag-aalis, doña María'i, nagtindig at capagdaca'i, nagsulit. Ito ang uinica niya ó daraquilang monarca, dinguin ngayon nang lahat na ang aquing munting querella. Ang uica nang haring mahal sabihin mo na at turan, at nang aquing maalaman ang iyong pahahatulan.

Salita Ng Araw

nagpacahandusay

Ang iba ay Naghahanap